Bawal ang balimbing ni Miriam

 

DAPAT LANG NA mawala na sa ugaling Pinoy ang pagiging “balimbing” sa pulitika.

Nakakababa nga naman ng moral ‘yang istayl ng maraming pulitiko.

Kahapon ay kontra, ngayon ay nanahimik at bukas ay kakampi na!

Ang masakit, kapag ang kanilang lider ang pumunta sa kabilang bakod, aba eh, mapa-patid ang litid sa galit.

Balimbing daw.

Para bang sila lang ang may karapatang magbalimbing, hmp!

Kaya tumpak, parekoy, ang ipinasang Se-nate Bill ni Sen. Miriam Defensor-Santiago.

Na dapat parusahan ang mga tinatawag na “political butterflies”.

Dapat naman talagang malipol na ang lahi nila!

Sandali lang, parekoy, tandang-tanda ko pa kung paano dinipensahan ni Senadora Miriam si Erap noong “impeachment”.

Katunayan ay ginamit ni Senadora ang kanyang galing sa debate dahilan kaya hindi nabuksan ang mahalagang envelope ng mga ebidensiyang magdidiin sana kay Erap.

Pero, noong si GMA na ang nakaupo sa Malakanyang ay biglang umiba ang ihip ng hangin.

Kamukat-mukat mo eh, kasa-kasama na noon ni PGMA sa mga lakad sa ibang bansa si Senadora Miriam.

Noong nakalipas naman na election ay hindi si Noynoy kundi si Manny Villar ang aydul ni Miriam.

Pero noon lang nakaraang linggo, sa wedding anniversary ni Miriam ay “best-man” na niya si P-Noy.

Uulitin ko, parekoy, hindi lang “good o better,” BEST-MAN talaga. He, he, he!

Samantalang dati, Villar ang best!

Ano kaya ang tawag ni Senadora Mi-riam sa kanyang ginagawa?

Hindi kaya ‘yan ang tunay na “turncoatism”?

Sabi nga ng ating tawiwit, if not, what is?

He, he, he, tamaan sana ng kidlat ang mga balimbing!

 

INAANYAYAHAN ko po kayo na makinig sa aking radio program na ALARMA KINSE TRENTA, Lunes-Biyernes, 6-7 am sa DZME o kaya ay mag-log-on sa www.dzme1530.com o mag-e-mail sa junbriones69@yahoo.com  o mag-text sa 09152121303.

Target
ni June Briones
jabriones10@yahoo.com
09152121303

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.