Batuhan sa Political Rally sa Maynila; 3 Sugatan

TATLO ANG nasugatan nang magkabatuhan sa kalagitnaan ng political rally ng grupo ni dating Pangulong Joseph Estrada sa Crisostomo at Maria Clara Street sa Barangay 496 sa Maynila.

Base sa salaysay ng isa sa mga tinamaan, nagsasa-lita si Manila Vice Mayor Isko Moreno bigla na lamang may namato na siyang pinag-umpisahan ng kaguluhan.

Samantala, nananatili sa pagamutan si Marilyn Berano na staff ng isa sa mga tumatakbong konsehal sa Maynila.

Nabagok ang ulo ni Berano at hindi makausap nang maayos matapos mag-panic sa kasagsagan ng batuhan. Nagtamo naman ng galos sa kaliwang braso si Konsehala Jo Quintos.

Nangako naman si Erap na sasagutin ang mga gastusin sa ospital ng mga nasugatang tagasuporta.

Sa ngayon, inaalam pa kung pulitika ang dahilan o gawa ng mga adik sa lugar ang naturang insidente.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.