Batuhan ng linya sa mga teleserye, kaabang-abang

KUNG MAY MGA linya sa pelikula na tumatatak sa ating isipan ay may mga teleserye lines din na hindi makakalimutan. Kung may mga classic Pinoy movie lines gaya ng “You’re nothing but a second-rate trying hard copy cat!” (Cherry Gil in Bituing Walang Ningning) at ‘Walang himala! Ang himala ay nasa puso ng tao! Ang himala ay nasa puso nating lahat! (Nora Aunor in Himala), hindi magpapahuli ang mga catchy lines ng mga teleseryes. May mga linya na nakakatawa, matalinghaga, nanghahamon, nagmumura, nanunukso, nang-aapi at nag-aaklas. Gaya na lamang ng mga sumusunod na interesting teleserye lines na nabasa ko on the internet:

Kung ang sigaw ni Jasmine ay “Tira, Tira” sa My Girl, “Aja, Aja” naman ang kay Vivian sa Lovers in Paris.

Sino ang makalilimot sa batuhan ng mga maaanghang o nakakatawang dialogue ng mga karakter sa mga series? Tulad nina Scarlet (Angelica Panganiban) at Catherine (Claudine Barretto) sa Iisa Pa Lamang: (Scarlet) Magsu-swimming ka lang naka-diamonds ka pa. (Catherine) S’yempre, diamonds are forever. Sa Tayong Dalawa, si Agot Isidro bilang Ingrid: Are you stalking me? Na walang kakurap-kurap na sinagot ni Cherrie Pie Picache as Marlene ng: No, I’m not talking to you! Kuwela rin si Assunta de Rossi sa Lovers in Paris. Maricar Reyes (as Karen Roxas): What do you take me for Eunice, stupid?

Assunta (as Eunice Gatus): What I take you for? I take you for… (long pause) granted! Talk to the hand! (with her palm facing Karen).

The beautiful Gretchen Barretto is now making waves with her impressive portrayal of Victoria in the top-rating teleserye Magkaribal. Uurong ka ba sa kanya kapag hinamon ka niya ng, “If you want war, I’ll give you war”?

Paano ka magre-react kapag sinabihan ka ni Sam Milby as the handsome JB Berenguer on Maging Sino Ka Man ng “I never said that I love you!”?

Naging matalinghaga naman si Angel Locsin bilang Lyka sa Lobo, “Hindi sa tala sa langit, kundi sa buwang nakasilip, ibigay ang hiling ng matang nakapikit.” At isang wagas na pag-ibig naman ang kanyang inaalay nang sabihin niyang, “Kung sakali mang mawala ako bukas, gusto ko lang malaman mo na naging kumpleto ang buhay ko… kasi nakasama kita.. nakilala kita… at minahal kita.” At si Piolo Pascual bilang Noah, “Kahit saan ka magpunta… kahit saang dilim pa ‘yan, hahanapin kita, kahit sa impiyerno pa ‘yan susundan kita. Hindi ako papayag na mawala ka na sa akin. Pangako yan.”

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

6 thoughts on “Batuhan ng linya sa mga teleserye, kaabang-abang

  1. Bianca, gustong gusto pa naman kita. I was so happy when it was you instead of Mariel that got the spot in SNN. But, you seem to be a follower now. . .Lahat nang sabihin ni Boy Abunda, gagawin mo, pati ang magsinungaling para sa damage control ni Mariel. Puro positive ka maski alam mong todo sinungaling ang lahat nang sinasabi ni Mariel sa interview ninyo. In the last week or so, I stopped watching SNN. It is a complete waste of time. I will, maybe, start watching when I see NO MENTION of Robin and Mariel. Abunda, use your Bottomline to do your damage control moves. I don’t watch it anyway.

    • Ako rin, that is my opinion about Bianca, walang backbone. I guess we cannot blame Bianca, she has to hold on to her job and be loyal to those hands that feed her mouth. Everybody needs a job right now and i think that is why Bianca just have to say opo Boy, I agree Boy, yes Boy, absolutely Boy, you’re right Boy and of course Boy.

  2. BOY ABUNDA, DAMAGE CONTROL MO KAY MARIEL, HINDI UMOBRA. NASOBRAHAN KASI. SINAYANG MO ANG ORAS NAMIN SA SNN AT THE BUZZ. PURO KAPLASTIKAN KASI ANG LUMABAS. GAYA NANG SABI NANG IBA, NAGHUGAS KAMAY LANG KAYO NI MARIEL. HINDI NAMAN NIYA SINAGOT ANG BACKBITING INCIDENTS NA GINAWA NIYA KAY TONI, KC, LUIS AT ANNE CURTIS. IDINAAN LANG NIYA SA IYAK. CROCODILE TEARS. AT BAKIT HINDI MO RIN TINANONG ANG MGA PAG BACK STAB NIYA KAY KRIS AQUINO NA ITINURING NIYANG KAIBIGAN? MARAMI PANG IBA PERO TALAGANG LAKING IWAS NINYO. GALING MONG SUMEGWEY. ANO NGAYON BOY ABUNDA. NAKATAPAK KAYO AT NAKASAKIT NANG KAPWA. PARA TULOY BOOMERANG NA SUMAPOK SA PAGMUMUKHA NINYO.

  3. As usual, pang promo na naman ang column ni Kalbo. Puro DAMAGE CONTROL lang naman ang alam nito para sa mga alaga niya.

    MAGSAMA KAYO NG ALAGA MONG MALANDI!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.