Battle between Fire and Pole Ciara and Valeen: Mga Talentadong Bebot

SUCCESSFUL ANG IKALAWANG Ultimate Battle of the Champions ng Talentadong Pinoy na ginanap

sa Ynares Center, Antipolo City nu’ng March 12 and 13. Walang itulak kabigin sa walong hall of famers at isang wild card na nagpakitang-gilas ng kanilang mga naiibang talent pero ang namukod tangi sa lahat ay si Joseph Erwin Valerio, a.k.a. Joseph, The Artist. Siya ang itinanghal na 2011 Philippines’ Ultimate Talentado. Nag-uwi ng P1 million, isang kotse, 4-year scholarship at magiging representative ng Pilipinas

sa World Championship of Performing Arts (WCOPA) na idaraos sa California. ‘Di naman nagpahuli ang

apat na celebrities na naglabanlaban din – si Rosanna Roces na nag-drums kasama ang singer na si Leah Patricio; si Valeen Montenegro at ang Tribal Dancers kung saan nagsayaw siya na may hawak na mga apoy; sina Regine Tolentino at Makata Tawanan na nagbalagtasan, nag-rap at nag-impersonate ng iba’t ibang palabas ng TV5; and lastly, si Ciara Sotto, na nag-pole dancing habang kumakanta kasama ang Far East Acrobats. Si Ciara ang nanalo sa celebrities’ battle at nag-uwi ng P100,000. Actually, bet namin kahit sinuman kina Valeen at Ciara dahil infairness to them, buwis-buhay talaga ang kanilang ipinakita, huh! Para sa inyo sino sa dalawang bebot na ito ang tunay na talentado? Husgahan na! Tsuk!

Photos by Fernan Sucalit

Ni MK Caguingin

Stars Candid
Pinoy Parazzi News Service

Related Post

loading...

2 thoughts on “Battle between Fire and Pole Ciara and Valeen: Mga Talentadong Bebot

  1. SANA SI VALEEN NA LANG ANG NANALO KESA KAY CIARA. KASI MAS DELIKADO ANG GINAWANG TALENT NI VALEEN KASI BAKA MASUNOG SIYA EH C CIARA LUMABITIN LANG SA POLE

Leave a Reply

Your email address will not be published.