Batas vs Malaswang Babasahin, Kailangan

NANGANGAILANGAN NG mas malinaw na batas o patakaran para mahinto na ang pagtitinda ng malalaswang babasahin sa bansa.

Ito ang pahayag ni Interior and Local Government Secretary Mar Roxas.

Ayon kay  Roxas, “accessible” at pabalik-balik lang ang mga tabloid na may malalaswang larawan, na madaling mabili ng mga kabataan.

Para sa kalihim, nananatiling malabo pa rin sa batas kung ano nga ba ang malaswang babasahin sa hindi.

Ito aniya ang dahilan kung bakit hirap ang Philippine National Police (PNP) na makumpiska ang mga tabloid na nagpapakita ng mga halos hubad na larawan dahil sa kawalan ng malinaw na batas.

Bagama’t aminadong hirap sa paghuli sa mga ito, sinabi ng kalihim na handa siyang makipagtulungan sa mga opisyal ng lokal na pamahalaan na gumawa ng isang malinaw at konkretong polisiya upang matukoy ang mga katanggap-tanggap at hindi katatanggap-tanggap na babasahin na itinitinda sa mga kalsada.

“P’wede naman [gumawa ng panukala] at handa tayong gawin ‘yun. In fact, sisimulan natin. Meron nang mga ordinansa o memorandum circular tungkol diyan pero siguro kailangan lang sariwain natin muli.”

“Kaya para sa amin, lalo na sa PNP, mas mabuti kung may mas malinaw ang patakaran para madali ang singilan. Hindi y’ung ang bawat opisyal o bawat police director ay magkakaroon ng kanya-kanyang definition ng kung ano ang malaswa at kung ano ang katanggap-tanggap. Sisikapin namin na gumawa ng malinaw na patakaran.”

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.