Batas sa Pananaliksik Pangkalusugan, Buo na

NAISABATAS NA ang panukala ukol sa makabuluhang pananaliksik pangkalusgan o Republic Act 10532 o mas kilala bilang Philippine National Health Research System Act of 2013 na naglalayong pag-ibayuhin ang pag-aaral ng mga mananaliksik sa agham ng kalusugan upang makatulong sa ikauunlad ng bansa.

Ang nasabing nabuong batas ay amyenda sa Executice Order 128 na kumikilala sa awtoridad ng agham at teknolohiya, Seksyon 16 ukol sa Philippine Council for Health Research and Development ng DOST kabilang ang Commission on Higher education at mga pribadong sektor sa mga stakeholder.

Ang Philippine National Health Research System ay pinangungunahan ng National Institute of Health University of the Philippines Manila (RA 8503) at pamumunuan ni Dr. Jaime Montoya ng PCHRD-DOST kabilang ang DOH, at iba pa.

Layon ng nasabing batas na mapalawak din ang kaalaman ng mga doktor at mananaliksik sa sektor ng agham pangkalusugan upang matugunan ang mga karamdamang nananalasa at nakamamatay, gayundin ay makatulong upang magkaroon ng malusog na mamamayan.

(MJ Balaguer)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.