Batas sa mabilis na paglilitis ng Sandigan, umusad na

UMUSAD NA sa Senado ang Senate Bill No. 2138, ang panukalang batas na naglalayong mapabilis ang paglilitis ng Sandiganbayan sa mga nakasampang kaso na may kaugnayan sa korapsyon sa gobyerno.

Inihayag ni Senate President Franklin Drilon ang kahalagahan ng pagpapatibay sa panukala para mabilis na matapos ang mga nakabinbin na kaso sa Sandiganbayan.

Sakaling maisabatas ang nasabing panukala, sa halip na tatlo ay magiging dalawa na lamang ang quorum ng bawat division at pinapayagan ang isang kasapi nito na tumanggap ng ebidensya kahit mag-isa.

Pagdating sa promulgation o pagpapasya sa kaso ay maari nang bomoto ang dalawang kasapi ng division taliwas sa kasalukuyan na kailangan ang tatlo batay sa voting requirements.

Pinapayagan din sa nabanggit na panukala ang pag-transfer ng jurisdiction ng maliliit na kaso sa Regional Trial Courts.

“The objective of this bill is to improve the disposition of cases in the Sandiganbayan, our country’s specialized court tasked to effectively and swiftly resolve corruption cases against erring government officials and employees,” paliwanag pa ni Pimentel.

Ito ang nakikitang solusyon ng liderato ng Senado para mawakasan na ang mabagal na pag-usad ng hustisya sa Sandiganbayan kung saan ang isang kaso ay inaabot ng dekada bago maresulba.

“Justice delayed is justice denied”—a maxim we are all familiar with—remains relevant today as it has been when it was first uttered more than a century ago,” ayon pa kay Drilon.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.