Batas Para sa mga Sekyu

 

+63947537xxxx – Good day po! Makisuyo lang po, Idol Raffy, kung puwede sanang manawagan po kayo sa ating mga congressman na may boses sa lower house para amyendahan ang batas ng mga guwardiya, dahil maraming nakararanas ng direct assault sa mga mayayamang personalidad. Isa po akong saksi dahil meron po akong nakita na aktong pinalo ng batuta ang isang guwardiya ng isang mayaman na may mga bodyguard pa matapos niyang kunin ito sa naturang guwardiya. Nakakaawa po talaga at masyadong naapi nang walang kalaban-laban ang guwardiyang ito. Sana ay hindi na po maulit ang ganitong pangyayari sa iba. Maraming salamat po, Sir!

 

+63930123xxxx – Isang magandang araw po, Sir! Hihingi lang po sana kami ng tulong sa inyo tungkol sa inaaplyan po naming work abroad. Walong buwan na po kaming naghihintay at hanggang ngayon ‘di pa kami nakaaalis. Nakapagpasa na po kami ng mga requirement at fully paid na rin po kami. Lagi nilang sinasabi na makaaalis na kami noong May pa dapat, pero August na po at wala pa rin pong nangyayari. Sana po ay matulungan ninyo kami sa aming problema. Thank you and God bless po!

 

+63923894xxxx – Magandang araw po, Mr. Tulfo! Nais ko pong isumbong sa inyong tanggapan ang principal ng San Vicente National High School sa Lubao, Pampanga na puwersahang naniningil sa PTA. Kapag hindi nakabayad, hindi pinapayagan na mag-exam ang estudyante. P950.00 kada taon ang sinisingil nila. Napakabigat po nu’n para sa aming mga magulang. Sana po ay matulungan ninyo ka-ming mailapit ito sa DepEd para maimbestigahan nila ang nasabing paaralan. Salamat po nang marami at mabuhay po kayo, Sir!

 

+63921764xxxx – Good day po Boss Raffy! Ireklamo ko lang po ‘yung ginagawang paniningil sa tollgate ng Dalahican fishport sa Lucena. Ang bayad po pagpunta sa loob tuwing daraan ang sidecar ay P5.00 at sa kotse naman ay P10.00.  Sa gobyerno po ‘yung lugar pero wala naman ka-ming nakikitang improvement na dahilan umano kung bakit sila naniningil.  Sana po ay mabigyan ito ng pansin ng ating gobyerno para mahinto na ang ganitong klaseng paniningil dahil kawawa, naman po kaming naghahanap-buhay mas lalo na kaming mga nagsa-sidecar na kumikita lang nang konti para sa aming mga pamilya. Umaasa po kami na kami’y inyong matutulungan. Salamat po at pagpalain po kayo ng Maykapal!

 

+63919228xxxx – Magandang araw po Sir! Ako po ay humihingi ng tulong dahil sa pagkakahuli sa akin ng isang MMDA traffic enforcer. Ako po ay nakapagbayad na sa MMDA at may resibo na rin po ako ng aking binayaran ngunit pilit pa rin nila akong pinagbabayad at hindi ko alam kung bakit at anong dahilan. Sana po ay matulungan ninyo ako. Marami pong salamat, Sir!

 

+63943359xxxx – Sir Raffy, good day po! Sumbong ko lang po na rito sa Muntinlupa City jail, nangongotong ‘yung mga tauhan ng BJMP sa gate. Magde-deliver po kami sa Chowking at ‘di po kami pumapasok ng Muntinlupa City jail. Pero pinara pa rin po nila kami. Sa gilid lang po sila nakapuwesto at namamara ng mabibiktima nila. Ayaw po nila kaming paalisin ‘pag walang lagay. Delivery van po ang dala namin. Sana po ay mahagupit ninyo sila kasi malaking kawalan din sa amin ‘yung kinokotong nila. Pangkain na po sana namin ngunit sa kasamaaang-palad ay nakotong pa. Sana po ay makalampag ninyo ang mga taong ito. Salamat po!

Shooting Range
Raffy Tulfo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.