Batas Para sa mga Mahilig Magyosi, Inihain sa Senado

ISUSULONG NI Sen. Franklin Drilon ang isang panukalang batas na naglalayong lagyan ng mga nakakadiring larawan ang mga pakete ng sigarilyong ibinebenta sa bansa.

Paalala umano ito para sa mga mahilig manigarilyo kaugnay ng masamang epekto ng sigarilyo sa kalusugan.

Hindi nababahala ang mambabatas na sinasabing susunod na pangulo ng Senado sa mga tumututol sa nabanggit na panukala, kung saan magiging katuwang umano nito si Sen. Pia Cayetano para maipasa ang nasabing bill sa 16th Congress.

“We believe that this legislation is essential for us to push our health programs particularly in relation to the campaign against tobacco smoking in our country. We do not have that kind of regulation which requires graphic warning on packages and this is one of the challenges we are facing in the next Congress,” ani Drilon.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.