Batas Para sa Battered Husband, Inihihirit sa Senado

KASABAY NG pagdiriwang ng Father’s Day kahapon, humirit sa Senado ang mga grupo ng kalalakihan kaugnay sa pagkakaroon ng batas para sa mga tatay na pinagmamalupitan ng kanilang misis o mas kilala sa tawag na “battered husband”.

Sa kasalukuyan, mayroon lamang batas para sa mga ‘battered wife’ sa ilalim ng Republic Act 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004.

Sinabi ni Sen. Gringo Honasan na susuporta siya sa panukala sakaling may magsulong nito sa Senado lalo pa’t nakasaad sa Konstitusyon ang “equal protection” para sa lahat ng mga mamamayan.

Ayon sa Palasyo, nais muli nitong makita ang nilalaman ng nasabing panukala na naglala-yong amiyendahan ang RA 9262.

May mga grupo na rin ng kalalakihan ang

nagrereklamo lalo na talo sila sa naturang batas dahil may mga lalaki ring nakararanas ng pang-aabuso mula sa kanilang asawa.

Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na dapat munang makita kung ano ang maaaring pagbabago sa batas.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.