Batas Para sa Bangsamoro Region, Babalangkasin na

NAKATAKDA NANG simulan sa unang linggo ng Abril ang pagbalangkas ng batas para sa bubuuing Bangsamoro Region.

Sinabi ni Government Peace Panel Chairperson Professor Miriam Coronel-Ferrer na magpupulong ngayong Miyerkules, Abril 3 ang 15 miyembro ng Transition Commission. Target nilang masertipikahang “urgent” ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang bubuuing Bangsamoro Basic Law para agad maisalang sa susunod na sesyon ng Kongreso, dagdag pa ni Professor Ferrer.

Idadaan aniya sa plebisito ang magiging panukalang teritoryo ng Bangsamoro Region at kapag naratipikahan ay papalitan na ang Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Samantala, itinakda naman sa ikalawang linggo ng Abril ang gagawing ika-37 pagpupulong ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at ng gobyer-no bilang pagpapatuloy ng usaping pangkapayapaan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.