Batas Laban sa mga Lasing at Adik na Drayber, Pinirmahan na ni P-Noy

NILAGDAAN NA ni Pangulong Benigno Aquino III ang Republic Act No. 10586 o Anti-drunk and Drugged Driving Act of 2013 na nagbibigay-parusa sa mga nakainom o naka-drogang drayber.

Sang-ayon sa batas, kabilang sa mga senyales ng nakainom o nakadrogang driver ang overspeeding, weaving, lane straddling, sudden stops, swerving at nangangamoy alak o alcohol.

Nakapaloob sa nasabing batas na matapos patigilin ng law enforcement officer ang pinaniniwalaang lasing na driver ay agad itong magsasagawa ng tinatawag na field sobriety test saka breath analyzer test o drug confirmatory test.

Ang sinumang driver na tatangging sasailalim sa tests ay kukumpiskahan o kakanselahin ang lisensya.

Kung mahuhuling lasing o nakadroga pero walang nasaktan sa aksidente, papatawan ito ng multang P20,000 hanggang P80,000.

Kung ang paglabag ay nauwi sa physical injuries, mumultahan ito ng P100,000 hanggang P200,000 at kung nauwi sa pagkamatay o homicide, papatawan ito ng P300,000 hanggang P500,000 multa.

Ang pangunahing ahensyang magpapatupad ng naturang batas ay ang Land Transportation Office (LTO) at Philippine National Police (PNP) at maaaring mag-deputize ng mga traffic enforcers.

Samantala, hinikayat naman ng Palasyo ang mga motorista na agad isumbong ang mga traffic enforcers na kokotong at aabuso sa batas.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

One thought on “Batas Laban sa mga Lasing at Adik na Drayber, Pinirmahan na ni P-Noy

  1. principal author ng bill na yan si CGMA. parang lumlabas naman sa news na ang credit goes to p-noy. blame game… credit grabbing… hays

Leave a Reply

Your email address will not be published.