Batas kontra pagsasapribado ng mga ospital, isinulong

PINABABAWASAN NG magkapatid na mambabatas ang hawak na kapangyarihan ng kalihim ng Department of Health (DOH) upang mawalan ito ng salita sa panghihimasok sa pagsasapribado ng mga ospital na minamando ng pamahalaan.

Iginiit nina Caga¬yan de Oro Cong. Rufus Rodriguez at Abante-Mindanao partylist Rep. Maximo Rodriguez Jr. na hindi dapat isulong ang privatization ng mga government hospital.

Sinbani ng dalawang solon na ang mga pagamutan ng pamahalaan ang inaasahan lamang ng mga mamamayan lalo na ng mga mahihirap para sa abot-kayang serbisyong pangkalusugan na bukod sa mura ay kayang-kaya pa ng mga Pinoy.

Base sa House Bill 3994 o “Government Hospitals’ Privatization Prohibition Act” na pagbabawalan ang secretary ng Department of Health na i-privatize at ialok na “for sale” ang lahat ng government hospitals.

Ito ay bilang tugon sa mga report na ang National Orthopedic Hospitals sa Quezon City at iba pang ospital ng gobyerno ay ilalaglag sa privatization sa ilalim ng Public-Private Partnership ng pamahalaan.

“While it is true that the government is experiencing difficulty in infusing the much needed funds to continually upgrade and acquire sophisticated and advanced medical equipment, it is a reality that majority of the people rely on these government hospitals for their medical and health needs,” pahayag ng nakatatandang Rodriguez.

Ayon naman sa naka¬babatang Rodriguez na ang pagtaas sa bayaring medikal ang pihadong mapapala sa pagsasapribado ng mga government hospital na lalong magpapahirap sa kalagayan ng mga hikahos na mamamayan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.