Batas Kontra Padrino, Inihain sa Senado

UPANG MAIWASAN ang “padrino system”, inihain sa Senado ang Senate Bill 118 na naglalayong parusahan ang mga gumagawa ng “influence peddling” o mga taong nagbibigay ng impluwensiya para makakuha ng pabor sa pamahalaan.

Tinawag ni Senator Francis “Chiz” Escudero na mga ‘influence peddlers’ ang mga gumagamit ng padrino system na dapat umanong parusahan.

Base sa panukala ni Escudero, pagmumultahin ng hindi bababa sa P100,000 ang mga gumagamit ng padrino system bukod pa sa parusang pagkakulong ng hanggang anim na taon.

Naniniwala ang mambabatas na pinag-uugatan ng korapsiyon ang padrino system kung saan nabibigyan ng regalo ang isang opisyal o empleyado ng pamahalaan kapalit ng mabilis na business transaction, application request at maging pagkuha ng kontrata sa gobyerno.

Idinagdag pa ni Escudero na bagama’t may mga kasalukuyang batas na magpaparusa sa mga taong tumatanggap ng regalo o anumang uri ng materyal na bagay, ang pag-aalok ng representasyon o pag-padrino ay hindi pa rin natitigil at napaparusahan.

Samantala, isinulong din ng senador ang naturang panukala sa gitna ng report na may mga opisyal ng gobyerno ang nag-papadrino sa Bureau of Customs at nakikialam sa kalakaran sa ahensiya.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.