Batas kontra abusadong taxi driver, isinulong ni Miriam

DAHIL SA tumataas na bi-lang ng mga abusadong taxi drivers, isinulong na ni Senator Miriam Defensor-Santiago ang panukalang batas na magiging daan upang magkaroon ng “Taxi Passenger Bill of Rights.”

Base sa Senate Bill 1206 na inihain ng senadora, sinabi nito na nakaaalarma na ang mga “horror stories” na nararanasan ng mga pasahero at nalalathala sa mga social media.

Layunin ng nasabing panukala na mabigyan ng proteksiyon ang mga pasahero ng taxi at magkaroon ng karampatang parusa at multa sa mga taxi driver at ang operator ng taxi cab na mang-aabuso.

Sinabi pa ng mambabatas na dapat masigurado na malinis, smoke free, at walang sira ang mga taxi cab at magalang ang mga driver.

Dapat din aniyang matiyak na hindi idadaan ng mga taxi drivers sa mas malayong ruta o lugar ang kanilang mga pasahero.

Gagawin ding mandatory ang pagdi-display ng identification card ng mga taxi driver at operator nito. Isasama rin sa ipapa-display ang contact details, at maging ang ID picture.

Sa oras na ma¬ging batas ito, ang mga first-time violators ay papatawan ng mul¬tang P2,000 hanggang 5,000.

Papatawan din ng multang P10,000  sa second at third offense kabilang na ang suspension ng driver’s license sa ikatlong paglabag.

Samantala, ipapalagay din sa loob ng taxi ang Taxi Passenger’s Bill of Rights upang mabasa ng mga pasahero.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.