Batas Doon, Batas Dito

NATANGGAL PO ako sa trabaho ko sa Macau nang hindi pa tapos ang aking kontrata. Walang dahilan at hindi nagkaroon ng imbestigasyon at pagdinig sa a-king kaso. Nang magsumbong ako sa aking ahensya tungkol sa ginawa ng aking employer, sinabihan ako na huwag na lang maghabol. Anila, iba ang  batas sa Pilipinas at iba ang batas sa ibang bansa. Tama po ba ang sinabi ng aking ahensya? Pol ng Rodriguez, Rizal

 

MALI ANG interpretasyon ng ahensya mo.

Sa batas ng Pilipinas, may probisyon ang Labor Code na nagbibigay-proteksyon sa mga manggagawa. Isa na rito ang ‘di basta pagdi-dismiss sa manggagawa nang walang legal na dahilan (just o authorized cause) at pagdinig (due process).  Kapag nilabag ito ng employer, ang manggagawa ay maaaring magsampa ng kaso ng illegal dismissal at makakakolekta siya ng danyos o kabayaran.

Ang ganitong probisyon ng batas ay tinitiyak ng pamahalaan natin na ipinatutupad din sa ibang bansa. Tinitiyak muna ng POEA na ang kontratang nilalagdaan ng OFW ay may mga probisyon tungkol sa proteksyong ito. Kung hindi protektado ang mga kababayan natin, hindi pahihintulutan ang pagpapadala ng mga manggagawa sa nasabing bansa.

Hindi dapat pahintulutan ng pamahalaan natin na ang mga benepisyo at proteksyon sa abroad ay mas mababa kaysa mga benepisyo at proteksyon na iginagawad natin sa ating mga manggagawa rito.

 

LIBRENG PAYO! I-TEXT N’YO AT SASAGUTIN KO! PM <space> saklolaw <space> ang inyong katanungan at i-send sa 2948 (for Globe, Smart and Sun users). E-mail: omecandazo@yahoo.com.   

 

Ayuda sa OFW
By Ome Candazo

One thought on “Batas Doon, Batas Dito

  1. gud day po, ksal po ako s aswa ko,ngkaroon po sya ng 2 anak s dubai,umuwi po yung babae d2 s pinas pra manganak,huminto ang sustento ng mlaman ko.Nagdemanda ang babae pre s child support, ngkaroon po cla ng compromissing aggreement s korte n susuportahan ang mga bta,lately nkita po nmin n peke ang pirma ng aswa ko s birth certificate ng isang bta hindi po pirma ng aswa ko pero gamit ng mga bta yung surname ng mister ko.Pwede ko po b idemanda ang babae dhil s pgpeke nya ng pirma? ano po b dpat ikaso s knya at ano po ang magiging prusa s ganyang sitwasyon? mraming slamt po GOD BLESS….