Batangas massacre: nanay at 2 anak, patay

PATAY ANG ISANG ginang at dalawang anak nang pagsasaksakin ng kani-lang kaanak sa Lian, Batangas, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga biktimang sina Merlita Mendoza at mga anak na sina Emmanuel at Emelita.

Tinutugis naman ang salarin na si Roldan Mendoza, pamangkin ni Merlita.

Batay sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente sa loob ng bahay ng mag-iina sa Sitio Matuod, Barangay Luyagan sa bayan ng Lian.

Ayon kay Supt. Nicolas Torre III, tagapagsalita ng Batangas Police, lasing na dumating sa bahay si Roldan at nakipagtalo sa tiyahin.

Sa gitna ng pagtatalo, kinuha ni Roldan ang patalim at ilang ulit na inundayan ng saksak ang tiyahin.

Pinagsasaksak din nito ang magkapatid nang magtangkang umawat.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.