Batangas ‘Drug Queen’, Timbog

NASAKOTE NG pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP) Calabarzon ang tinaguriang drug queen sa Batangas.

Ayon kay PDEA-Calabarzon Director Loricel Cabales, sinuyod ng mga operatiba ang apat na bahay sa Barangay Tanglayan, San Pacual, Batangas, sa bisa ng isang search warrant.

Arestado ang suspek na si Violeta Contreras Ballacer, 65-anyos na pinaniniwalaang lider ng isang grupo.

Maliban sa pitong bultong sachet ng hinihinalang Shabu, nakuha rin sa suspek ang bungkos ng perang aabot sa P40,000, iba’t ibang paraphernalia at ilan pang pera sa foreign currency.

Itinanggi naman ng suspek na sa kanya ang mga narekober na ebidensiya ng PDEA.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2012 si Ballacer na dinala na sa Camp Vicente Lim sa Laguna.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.