Batang Dinukot sa Maynila, Natagpuan na

NATAGPUAN NA ang 5-taong gulang na batang babae na isinama ng isang lalaki noong Sabado ng gabi na nakunan ng CCTV sa Blumentritt Extension sa Maynila.

Sinabi ng purok leader ng Barangay Batasan Hills na si Juliet Caloing na dinala sa kanilang tanggapan ng isang vendor ang batang si Joanna na iniwanan umano ng isang lalaking nakasakay sa tricycle.

Nagulat aniya sila nang mapanood sa telebisyon ang larawan ng bata kaya agad silang nakipag-ugnayan sa ilang TV network upang matunton ang magulang nito.

Base sa salaysay ng biktima sa inang si Vanessa Almiranez, pini-ringan siya at isinama ng isang lalaki habang naghihintay ng pakain ng isang pulitiko.

Sa ngayon, patuloy ang pagsisiyasat ng mga kinauukulan sa pagkakakilanlan ng suspek.  

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.