Batang dinukot, pinalaya

PINAKAWALAN NA NG kanyang mga kidnapper ang Grade 1 pupil na dinukot kahapon sa Pikit, North Cotabato .

Ayon kay PNP Spokesman, Chief Supt. Agrimero Cruz Jr., alas-9:45 kamakalawa ng gabi nang palayain si Keisha Jel Navarro, pitong taong gulang.

Ang biktima ay dinukot ng apat na lalaki habang patungo ito sa kanyang paaralan sa Ferenal St., Barangay Poblacion, dakong alas-12:50 ng tanghali kamakalawa.

Gayunman, makalipas ang ilang oras na negosasyon ng lokal na pamahalaan at mga awtoridad, iniwan ng mga abductor ang biktima sa boundary ng Barangay Balong at Barangay Kabasalan.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.