Batanes, Humirit ng Dagdag-Pondo sa Maritime Security

KAKULANGAN NG pondo ang nakikitang dahilan ni Governor Vicente Gato ng Batanes kaya’t patuloy na nananamantala ang mga dayuhan na pumasok at iligal na mangisda sa kanilang nasasakupan.

Sinabi ni Gov. Gato na malayang nakakapasok sa kanilang nasasakupan ang mga dayuhang mangisngisda gaya ng mga Koreano, Vietnamese, mga Taiwanese at iba pa.

Sa kasalukuyan aniya, may mga nakakulong na Vietnamese fishermen dahil sa iligal na pangingisda at inaasahan niyang sa mga susunod na araw ay mapapanagot ang mga ito.

Samantala, dahil dito, hinihiling ni Gov. Gato sa gobyerno na paglaanan ng sapat na pondo ang kani-lang lalawigan para na rin sa pangangalaga sa nasasakupan nitong bahagi ng katubigang Northern Sea board ng bansa.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.