Bataan Vice Mayor Teri Onor forgot to pay his designer?

MATAGAL NANG TUMATAHI ng mga damit nang nagsimula bilang isang sing-along master at ngayon nga eh, Vice-Mayor na ng Bataan na si Teri Onor ang designer na si Totoy Madriaga. Lahat ‘ata ng functions, special shows at kahit na mga regular niyang isinusuot eh, ito ang gumagawa.

Narinig ko sa kuwentuhan ng ilang sing-along masters at isang segment host sa isang talk show na medyo nagkaka-problema diumano ang nasabing designer sa nasabing punong-bayan.

Last year, ikinasal daw ang pamangkin ni Teri. At sinagot nito ang kasuotan ng buong entourage na ipinatahi nga raw kay Totoy. Ang siste, nanganak na raw ang ikinasal last year eh, hindi pa raw nababayaran ang ipinatahing isinuot ng buong entourage, na si Teri nga ang sasagot.

Hihintayin ng pahinang ito ang sagot ni Teri. Teka, may sasagutin din ba siya sa akin? He-he! Ayon sa kuwento, hindi raw kasi sinasagot ni Teri ang mga tawag sa kanya ng nasabing designer. Eh, baka naman busy lang sa kanyang posisyon bilang pangalawang ama sa kanyang bayan?

The Pillar
by Pilar Mateo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.