Bata, pisak sa bulldozer

 

PATAY ANG isang bata matapos masagasaan ng bulldozer sa Barangay Concepcion, Malabon.

Base sa pagsisiyasat, agad na nasawi ang biktima na si Christian Alejo, 12-anyos na nangangalakal ng bakal sa isang bakanteng lote sa nasabing barangay nang hindi mapansin ng operator ng bulldozer dahilan upang maatrasan at maipit bandang alas-10 ng umaga kamakailan.

Dahil sa nangyaring insidente, nawala na sa porma ang katawan ng bata at napisat ang ulo nito habang lubog pa rin sa putik ang ilang bahagi nito.

Agad namang tumakas ang hindi pa nakilalang operator ng bulldozer at kasalukuyang pinagha-hanap pa rin ng pulisya.

Samantala, humihingi naman ng hustisya ang ama ng biktima na si Edgardo Alejo sa operator ng bulldozer na sumuko na.

Patuloy pa rin ang ginagawang imbestigasyon at pagtugis sa tumakas na suspek. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM) 

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.