Bata, patay sa patrol car; 2 pulis sugatan

PATAY ANG 11-anyos na bata matapos mabangga ng patrol car ng Isabela Police Station kamakalawa sa bayan ng Hinigaran, Negros Occidental.

Dead on arrival sa Isabela District Hospital ang batang si Shelo Marie Jallorina ng Sitio Linao, Brgy. Bato, Hinigaran dahil sa malubhang sugat na natamo bunsod ng pagkakabangga sa sasakyan.

Ayon kay Hinigaran chief of police C/Insp. Nerito Lobrido, nangyari ang insidente sa Brgy. Bato, Hinigaran dakong alas-7:45 ng gabi matapos biglang tumawid sa daan ang bata.

Hindi na nakapagpreno ang driver na si PO3 Emmanuel Trinidad kung kaya’t nabundol ang biktima at tumama pa ang patrol car sa matigas na bahagi ng daan na nagresulta sa pagkasira nito.

Nagtamo rin ng mala-king sugat ang nakasakay na si PO2 Irene Paco na na-confine sa isang pagamutan sa Bacolod City.

Samantala, minor injuries naman ang natamo ng kanilang hepe na si S/Insp. Jason Manguilimutan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.