Bata patay sa ligaw na bala

PATAY ANG ISANG bata matapos tamaan ng ligaw na bala sa ulo habang ang una ay natutulog katabi ng kanyang ina sa loob ng kanilang bahay sa Navotas kamakalawa ng gabi.

Namatay habang ginagamot sa Jose Reyes Memorial Medical Center si Justin Rain Capili, 1 taon at 7 buwan ng Roldan St., Tangos ng lungsod.

Sa pahayag ng ina ng biktima na si Marissa, 34, alas-11 ng gabi, katabi niyang natutulog ang anak nang makarinig ng kalansing mula sa kanilang bubong.

Nang tignan ang bata ay laking gulat nang makitang dumudugo ang ulo na naging dahilan upang dalhin sa JRMMC.

Inaalam na ng mga pulis kung kanino galing ang bala na pumatay sa bata.  (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.