Bata, Naipit sa Escalator, Sugatan

SUGATAN ANG batang lalaki matapos maipit ang siko sa escalator ng Puregold sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Ginagamot sa Manila Central University sanhi ng sugat sa kaliwang siko si Felix Aparejado, 7 ng Alupihan Dagat, Longos, Malabon City .

Sa ulat, alas-6:40 ng gabi, sumakay sa escalator ang biktima kasama ang tiyahin na si Melody Aparejado sa Puregold sa Samson Rd., Caloocan City subalit minalas na naipit ang kaliwang siko ni Felix.

Agad na humingi ng tulong si Melody subalit hindi matanggal ang siko hanggang sa dumating ang tulong ng ilang rescuers.

Tumagal ng limang oras sa pagkakaipit ang biktima at nang matanggal ay agad na dinala sa MCU.

Inaalam na kung may pagkukulang ang Puregold sa nasabing insidente.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.