Bata, Ipinaglihi sa Ahas at Palaka

AGAW-ATENSIYON ANG isang pitong taong gulang na bata sa Brgy. Compayan, Dumangas, Iloilo dahil sa kanyang kakaibang anyo.

Ang pitong taong gulang na bata na si Janjan Gallo ay kagaya rin ng ibang normal na bata ma-liban lamang sa kanyang anyo na kahalintulad ng ahas at palaka.

Malalaki ang mga mata ng nasabing bata, nakausli at makapal ang labi, matulis ang hugis ng ulo at may bukol sa mag-kabilang bahagi.

Si Janjan ay panganay na anak at ayon sa ina nito, madalas itong dinadalaw ng mga ahas at palaka noong sanggol pa ito.

Pinayuhan aniya sila noon ng manggagamot na obserbahan ang kundisyon ng bata ngunit dahil hindi naman ito nagkaroon ng karamdaman, hindi na sila nakabalik pa sa doktor.

Hindi rin nasubukan na ipasuri ang dahilan ng kakaibang anyo ng bata dahil salat din sa pamumuhay ang naturang pamilya.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.