Basurero, namatay sa gutom

HINIHINALANG NAMATAY SA gutom ang isang basurero nang matagpuan itong wala nang buhay sa daan kahapon ng hatinggabi sa Caloocan City.

Patay na nang matagpuan ang biktima na tinatayang nasa 50-60 edad, basurero, may taas na 5’, at nakasuot ng maruming T-shirt.

Ayon sa saksing si Ambrocio Salon, Jr., 36, may-asawa, salesman, dakong alas-12:50 ng hatinggabi, naglalakad ito pauwi sa kanilang bahay nang ma-daanan ang biktima na nakahiga at hindi man lamang gumagalaw.

Dahilan upang kanya itong gisingin subalit kahit paghinga ay wala man lamang itong marinig mula sa biktima naging dahilan upang ipagbigay-alam nito sa pulisya ang nasabing insidente.

Sinabi pa ni Salon na madalas nitong nakikitang palabuy-laboy ang biktima at namumulot ng pagkain sa basurahan.

May hinala ang pulisya na namatay sa sobrang gutom ang biktima bunga na rin ng katandaan nito.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.