Basurero, Kulong sa Pagnanakaw ng Yosi

KULONG ANG isang basurero matapos pasukin at pagnakawan ng mga yosi, kasama ang tatlo pa, ang isang sari-sari store sa Caloocan City kahapon ng madaling-araw.

Nakilala ang nadakip na si Rafael Villa, 24, ng Sitio Matarik, Camarin ng lungsod habang pinaghahanap pa sina alyas Dodie, Allan at Nono.

Base sa ulat, dakong alas-3:30 ng madaling-araw, magbubukas na ng kanyang tindahan si Julieta Dabalos, 50 sa NPC Lines, Nissan St., Brixton Subd., Camarin nang mapansin ang mga suspek na may dalang mga sako na papatakas.

Nang makapasok sa tindahan ang biktima ay nalaman na natangay ang mga rim ng sigarilyo na naging dahilan upang magmadaling lumabas at humingi ng tulong sa mga barangay tanod.

Hinabol ng mga tanod ang mga suspek at nadakip si Villa habang nakatakas ang mga kasama dala ang iba pang rim ng yosi, tatlong box ng hopia at mga rice cake na paninda ni Dabalos.

Ayon pa sa biktima, medyo malaking halaga rin ang naitakbo ng mga suspek dahil mahal na ngayon ang sigarilyo dahil sa pinaiiral na sin tax.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.