Basurahan ginawang nitso sa La Trinidad

NABALOT NG takot ang mga residente at mga basurero sa pagkakatagpo ng bangkay ng isang lalaki sa basurahan ng La Trinidad trading post sa La Trinidad, Benguet.

Base sa imbestigasyon ng La Trinidad Municipal Police Station (MPS), nakilala ang bangkay na si Jomar Alcores, isang kargador sa nasabing bagsakan ng mga gulay.

Natagpuan ito ng isang scavenger habang nanga-ngalkal ng basura kaninang madaling-araw.

Ayon sa hindi nagpakilalang scavenger, may nakita siyang mga bakas ng dugo sa isang karton na natabunan ng basura at nang kanyang kalkalin ay nagulat na lamang ito nang makita niya ang nakatihaya at duguang bangkay ng biktima.

Napag-alamang nagtamo ng isang malalim na saksak sa kanang bahagi ng tiyan ang biktima na nagresulta sa kanyang pagkamatay.

Sa ngayon, inaalam kung sino at kung ano ang motibo sa pagpatay kay Alcores.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.