Basura-Free Election, inilunsad ng DENR

INILUNSAD NG Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang programang “Basura-Free Election 2013” na naglalayong hikayatin ang lahat ng pulitiko na huwag magkalat ng campaign paraphernalia at tumulong sa paglilinis matapos ang eleksyon.

Katuwang ng kagawaran sa kampanya ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno tulad ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Department of the Interior and Local Government (DILG) at Commission on Elections (Comelec).

Sinabi ni Comelec Commissioner Lucenito Tagle na panahon na para tumugon ang mga pulitiko para maging malinis ang botohan.

Nilagdaan din sa paglulunsad ang isang kasunduan sa pagitan ng DENR, DILG at Comelec upang mas maging epektibo ang kampanya.

Samantala, dumalo sa nasabing  paglulunsad ang mga kinatawan ng mga kandidato, gayundin ang mga kabataang nangunguna sa kampanyang may temang “Kalat Ko, Sisinupin Ko”.

Muli namang ipinaalala sa mga kandidato na bawal magkabit ng campaign materials sa mga puno.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.