Bastusan daw ‘pag ganu’n ang nangyari Sharon Cuneta, ayaw makatapat ang show ng anak si KC Concepcion!

OLA CHIKKA now na! More chikka, more fun na naman tayo to the maximum authority of chikka ng yours truly! Ola chikka na, kaya naman maloloka ka talaga sa Earth. Kaya naman, don’t make your Monday a blue Monday…

Kaloka to the maximum talaga itong si Sharon Cuneta. Nagkaroon yata ng presscon ang kanyang Sharon, Kasama Mo, Kapatid. Kasi nga naman hanggang sa natapos ang presscon ay hindi pinaalam kung anong oras ipalalabas sa May 7 ang nasabing talk show at kung anu-anong mga isyu ang sinagot daw ni Sharon.

Inamin daw nito na sobra siyang nasaktan sa bintang sa kanyang plastikada, balimbing at walang utang na loob, dahil sa pag-alis niya sa bakuran ng Dos. Sabi nga raw ni Sharon, “Ano? Ako pa ang pagsa-sabihan ng ganyan?!”

Sinali pa si Derek Ramsay na ang dami namang lumipat sa Singko, wala namang reaction ang iba. Hindi raw kaya na silang dalawa ni Derek ang tinitira ay dahil may konting importansya?

Reaction pa raw ni Sharon, p’wede, si Derek. Pero siya wala, kasi hindi na siya in. Takot nga raw ito na matapatan ang show niya ng anak na si KC.
Ayon pa sa kanya, “Siyempre ‘pag gano’n, wala na akong magagawa dahil ano ba naman? Ang bottomline dito, kasama na ‘yun sa network wars nila.” At humalakhak na naman ng kaplastikan.
“Kung anuman ‘yung itatapat sa akin, wish ko lang ‘wag naman ang anak ko. Pero kung sino man ang itapat sa akin, wala akong isyu, trabaho ito.”

Magpakitaan daw ng respeto. Sa bagay, may katuwiran siya. Kaya lang ang tanong, kagatin naman kaya ang show niya? Ayon sa Dos ‘yan ha?
Masasaktan daw talaga siya nang grabe kung si KC ang itatapat sa kanya, kasi nga naman anak n’ya ‘yun. “Parang bastusan na ‘yan ‘pag anak ko ang itatapat nila. Kaya kung sino man, maiintindihan ko kahit si Sarah G (Geronimo).” ‘Wag lang daw si KC. May magagawa pa ba siya kung sino ang itatapat sa kanya, wala siyang choice.
Kinumusta sa kanya si KC? Say n’ya, “KC is fine. You know what? I’m happy to tell you that she is very very happy now. You will see naman, napatawad na niya si Piolo (Pascual), naka-move on na sa issue. My prayer also na mag-move on na rin ang mga sumama ang loob siguro dahil sa break-up. Pati ako, nag-move on na rin dahil nag-move on na ang anak ko, anuman ang feeling ko noon.”
Kaya lang daw, labis siyang nasaktan, kasi minahal niya si Piolo, tinanggap daw niya nang bonggang-bongga with open arms. Pero na forgive na siya ni KC… siya pa?”
Ang hindi lang niya maintindihan, “Na sana man lang nagpakita siya or nag-text. Kasi mula nu’ng naging sila ni KC hanggang sa nag-break-up sila hanggang sa araw na ito, never siyang nagpakita sa akin. Never. Parang hindi ako sanay nang gano’n. ‘Di ba nu’ng officially BF na s’ya, ‘di ba dapat, the decent thing, dapat sana, para mag-bonding-bonding, magpakita siya sa bahay? Nung lumiligaw siya, winelcome ko naman siya, eh.”
Humingi pa siya ng pasensya kung may mga nasabi, kasi nga naman anak niya si KC. Kasi nga naman daw pinasasama pa ng ibang tao si KC. Walang ganu’nan kasi, ‘pag ganon magsasalita siya. Hindi naman siya makikipagbangayan para sa hindi naman kailangan. Nirerespeto naman daw niya lahat ng tao na nagtatrabaho lang.

Tanong: ‘Yan ba ang naka-move on na hanggang ngayon, masama pa rin ang loob kay Piolo? Anyway, abangan na lang n’yo kung anong oras sa Singko ipalalabas ang kanyang talk show. ‘Yun na!

 

MALOLOKA KA rin sa next chikka ko at ma-wiwindang dahil sa mga bali-balitang usong-uso na talaga ngayon ang baliktaran. ‘Yung mga babae, gustong maging lalaki, ang mga lalaki gustong maging babae. Kaloka, ‘te!

Dahil may message sa kin ang aking bff na si Tita Claving sa FB, si Gleonard Cerenado, ito ang beki na pinalitan ko sa radio DWLM FM, Super Tunog Pinoy, late ‘70s.
Ito ang tanong: Swarding, marami nang lumalabas dito na si Piolo Pascual daw ay nag-say yes na siya ay claving. Dito sa America, usap-usapan din na si Luis Manzano ay berde rin ang dugo. Ano’ng say mo?

Marami ang nagsasabi rito, wala raw ginawa kundi manligaw nang manligaw raw, para maitago ng kanyang hinaharap. Totoo ba ‘yan?

Hahaha! Kaya nakakapagtaka, bakit sa ibang bansa sila naglaladlad kung true, dahil kahit papa’no, marami pa ring Pilipino du’ at in pa rin sa mga Pilipino ang chismisan.

Naku, Papa Luis, sayang ang beautiful body kung true ang chikka, say mo? Well, wa ako say… just asking ka na lang kay Billy C. Period!

 

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

11 thoughts on “Bastusan daw ‘pag ganu’n ang nangyari Sharon Cuneta, ayaw makatapat ang show ng anak si KC Concepcion!

  1. grabeeeh.. . . d q tLga akaLain na darating ang araw na ba2stos.bastosin naLang ang isang shar0n cuneta, tsk, tsk, kasaLanan din naman kc nya.. .

  2. INDAY IDONATE MO NA LANG YANG CHOLESTEROL SA KATAWAN MO GAWING COOKING OIL HAHAHA…. KALUKA ANG TABA TABA MO DAY.

  3. Bastusin naman talaga yang si KC NOH at grabeng LANDI..DIBA RICO BLANCO?NASA LOOB Ang KULO NG Mag inang SHARON PERIOD!!!

  4. KAHIT PA MAG TAPAT PAREHONG WALANG SINABI AT PURO KA ARTEHAN Lang ang mang yayari at GRABENG OA Ang MAG INANG BABOY!!!

  5. Laossssssssss NA talaga yang si BABOY NA SHARON At LANDING KC naman kahit anong pilit lomba lomba Parin ang KATAWAN.hoyyyyyyyyy KC mahiya ka naman pag sumasayaw ka sa ASAP..PILING  SEXY ka Kcinnnnggggggg MALANDI !

  6. Naku si Tita Swarding naman parang nangopya ng article sa ibang showbiz news website! Ate, try mo naman umattend ng mga press con para ORIGINAL ang mga balitang sinusulat mo dito sa article mo. As for the Sharon-KC tapatan, hindi naman cguro bobo ang mga taga TV5 or ABS para gawin yun sa mag-ina. Pwde cgurong parehong araw pero magkaiba ng timeslot para hindi magbanggaan mga shows nila

  7. Grabennnnnnnnnnggggggggggg Plasticccccccccccccccc mo Sharon..ayyyyy Hindi Lang pala si Sharon,si KC Din mas grabennnnnngggggggg Plasticccccccccc Perioddddddddddd

Leave a Reply

Your email address will not be published.