Bastos na Pulis sa WCCD, kinastigo ng mga reporter

BINATIKOS NG MGA mamamahayag ang isang police woman dahil sa kawalan nito ng modo, pagiging arogante at pagiging bastos sa mga reporter na kumukuha ng ibabalita sa tanggapan ng Women’s and Children’s Protection Desk (WCCD) ng Caloocan City Police.

Ito ang reklamo ng mga mamamahayag na nagko-cover sa Northern area, kaugnay sa hindi magandang pag-uugali ni P02 Jolita Dabu ng WCCD-Caloocan City Police Station.

Base sa pahayag ng reporter na si Mary Sapico, bandang alas-9:30 ng umaga ay nagpunta siya sa WCCD para sumilip at kumuha ng ibabalita sa blotter.

Aniya, sinita siya ni PO2 Dabu at pinagbawalang buklatin ang blotter gayong ito ay isang pampublikong dokumento na.

“Nainis ako, kasi public document ang blotter at hindi dapat ipagbawal na tingnan ng media. Ang nakaaasar, nagpaalam pa ako sa kanya (Dabu),” paliwanag ni Sapico.

Ang ikinagalit pa ni Sapico, sinabihan siya ni Dabu na ipaba-blocklist na at hindi maaaring pumasok sa WCCD kailanman.

“Daig pa niya si Col. Jude Santos na hepe nila na mabait sa amin. Siya (Dabu) PO2 pa lang may hangin na sa ulo,” dagdag pa ni Sapico.

Maging ang mga kasamahang reporter ni Sapico ay nakaranas na rin ng pambabastos ni Dabu na ang akala niya sa sarili ay mataas siya sa mga mamamahayag.

Minsan, nag-interview ang may akda nito sa isang rape suspect at pinagbawalan ito ni Dabu, sabay sabing bawal ang kapa-nayamin ng media ang sinumang suspek sa loob ng WCCD.

Maging sa tanggapan ng Station Investigation and Detective Management Branch (SIDMB) ng nasabing himpilan ng pulisya ay nahihirapan kumuha ng spot report dahil itinatago umano ng isang sarhento Mendoza, gayong may pirma na ni Col. Santos. (ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.