Bastos at mayabang na pulis

0917887xxxx – Mr. Tulfo, I’m a 31 year old woman who happens to be harassed and threatened by a police officer last Friday during a traffic accident. Please note that the traffic accident was caused by his stupidity. Nagmamaneho siya nang walang side mirrors ang kanyang motorsiklo galing sa West Service Road papuntang Alabang samantalang nagmamaneho din ako sa parehong lugar papuntang Northgate. Nasa outermost lane ako dahil kakanan ako pagkalampas ng stoplight. Samantalang itong pulis patola na ito ay tinangkang mag-overtake sa kotse ko sa kanang side imbes na sa kaliwa na technically ay siyang tamang lane sa pag-overtake. Bumangga siya sa kanang pinto ng kotse ko at nawalan ng balanse ang motor. Agad siyang tumayo at galit na galit na kinatok ang bintana ko, sinigawan niya ako at sinabing pulis siya at hinihingi ang lisensiya ko. Please note that he is not wearing his uniform during that time because he’s off-duty. Dahil nataranta ako, kaagad kong binigay ang lisensiya ko. Sinigawan niya akong sumunod sa presinto kung saan siya nagtatrabaho.

Tinanong ko siya kung may side mirror siya at kung bakit di niya nakita ang sasakyan ko. Bumalik siya sa motor niya at nakita kong wala itong side mirror. Bumaba ako ng sasakyan at hiningi ko ang lisensiya ko. Tumanggi siya at nakipagtalo sa akin. Lumapit sa amin ang security guard ng Northgate at ilang sibilyan. Mabilis kong ikinuwento ang nangyari at sinabi ng guard na dapat ay ibalik nga niya ang lisensiya ko. Bigla naman niyang ipinakita ang baril niya sa amin at muling sinabing pulis siya. Natakot ang lahat dahil sa baril, iyong guard ay magalang na iginiya ako sa sasakyang ko at sinabing, “Ma’am, bumalik na lang po kayo sa kotse ninyo at sumunod sa presinto. Maling-mali siya eh pero napakayabang at naglabas pa ng baril. Sumunod na lang po kayo doon at doon n’yo sabihin ang nangyari. Sumunod na lang po kayo para di kayo masaktan.” Mr. Tulfo, I want justice served! I can’t take such behaviour from a police officer. Binastos niya ako at hindi ako makikipag-areglo sa kanya. Ang kapal pa ng mukha niya dahil ang lakas ng loob na mag-demand sa akin na bayaran ang damages ng unregistered motorcycle niya. Ganito ba talaga ang mga pulis natin sa Pilipinas? Nakakalungkot naman at nakakapanghinayang kung ganitong klase ng pulis ang pinapasuweldo ng mga buwis na binabayaran natin sa gobyerno.

 

09296302588 – Sir, isusumbong ko lang po iyong mga nangongotong dito sa may SM Megamall ang dami po kasi nilang nakokotongan.

 

 09108847520 – Sir Raffy, irereklamo ko lang po ang General Trias Police Station dahil police clea-rance lang po ang kinukuha ko ay napakaraming binayaran. Doble-doble ang resibo at humigit-kumulang 300 pesos ang binayaran. Grabe ang kalakaran dito, Sir, sana po ay matigil na itong sobrang pani-ningil para sa police clearance.

 

Ang WANTED SA RADYO ay mapapakinggan sa 92.3 FM, Radyo5, Lunes hanggang Biyernes, 2:00-4:00 pm. Ito ay kasabay na mapapanood sa Aksyon TV sa Channel 41.

Para sa inyong mga sumbong, mag-text sa 0917-7-WANTED o 0908-87-TULFO.

Shooting Range
Raffy Tulfo

loading...

One thought on “Bastos at mayabang na pulis

Leave a Reply

Your email address will not be published.