Basted na kusinero, nagpakamatay

HINDI UMANO MATANGGAP ng isang kusinero ang ka-biguan sa pag-ibig matapos itong bastedin ng kanyang nililiyag kahapon ng umaga sa Caloocan City.

Patay na nang matagpuan ang biktimang si Andy dela Peña, 20, binata, stay-in cook, ng No. 360 Rubyville Subd., Brgy. 160, Caloocan City.

Sa ulat ni P02 Alejandro Billedo, ng Station Investigation Division Management Branch (SIDMB) Caloocan Police, dakong alas-6 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa garahe ng bahay ng kanyang pinapasukan.

Ayon sa anak ng amo ng biktima na si MJ Taruc, 8, tumungo ito sa kanilang garahe para maglaro, subalit laking gulat nito nang makita ang nakabigting bangkay ng biktima gamit ang jumping rope.

Ipinagbigay-alam ni Taruc sa kanyang ama ang nasabing insidente upang humingi ng tulong sa pulisya at ng respondehan ang wala nang buhay si Dela Peña.

Sa imbestigasyon ng Scene of the Crime Operatives-Northern Police District Office, (SOCO-NPDO), hindi naman nakitaan ng anumang sugat sa katawan ang biktima.        (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.