Baste College of Law

 

IPAGDIRIWANG NGAYONG araw ang Grand Alumni Homecoming ng San Sebastian College of Law. Sa nasabing pagtitipon, pararangalan ang mga natatanging alumni ng College of Law ng San Sebastian College, ang kolehiyo na mas kilala sa tawag na “Baste”.

Ang mga kikilalanin ngayong araw ay pangungunahan nina Sec. Mary Ann Lucille L. Sering (Climate Change Commission), former Assistant Commissioner Ericson A. Alcovendaz (Bureau of Customs), former Mayor Sara Duterte-Carpio (Davao City), Atty. Judy A. Lardizabal (1st Place, 2008 Bar Exams), Atty. Karen S. Canullas-Armada (6th Place, 2007 Bar Exams), Judge Afable E. Cajigal (Regional Trial Court), Prosecutor Rocille S. Aquino-Tambasacan (Department of Justice), Dean Ferdinand A. Tan, Associate Dean Josephrally L. Chavez, Jr., former Dean Willard B. Riano, Director Ernesto C. Salao, at iba pa.

Ang mga bibigyang-parangal ay napili ng isang komite, kung saan kabilang ang inyong lingkod, dahil sa kanilang walang-bahid na paglilingkod sa bayan at pagbibigay ng mahalaga at mahusay na kontribusyon sa academic community. Tunay nga na nagsisimula na lubusang makilala ang San Sebastian College of Law bilang isa sa pinakamahusay na law schools sa buong Pilipinas. Bukod sa pagkakaroon ng Bar Topnotcher at Bar Placers, ang Review Center din ng Baste ang isa sa pinakamalaki, kung hindi man ang pinakamalaki, sa buong Pilipinas kung bibilangin ang dami ng mga enrolees.

Ang Grand Alumni Homecoming ng San Sebastian College of Law mamayang gabi ay bukas sa lahat ng law graduates ng Baste na nagnanais na pumunta. Bukod sa ito ay walang bayad, magkakaroon din ng pagkakataon ang mga dadalo na magwagi sa mga raffle at mag-uwi ng napakaraming give-away mula sa College of Law. Tiniyak ng kasalukuyang pamunuan ng Baste College of Law na walang gagastahin ang mga alumni na pupunta sa nasabing pagdiriwang na susuportahan mula sa personal na pondo ng mga kasapi ng komite at sa pakikipagtulungan sa Law Executive Council at Law Forum. Bravo Baste!

Sampal-Tubig
By Atty. Reynold S. Munsayac

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.