Basta maganda naman daw ang intensyon
Vina Morales, okay lang kahit sino ang manligaw kay Shaina Magdayao

VINA MORALES is back on the small screen via ABS-CBN’s May Isang Pangarap where she plays Kare Rodriguez who left her little daughter and boyfriend to pursue her singing career. Si Vina ay huling napanood sa teleseryeng Nasaan Ka, Elisa? The new series is an exciting project for Vina who will once again showcase her singing and acting skills.

Kasama rin sa May Isang Pangarap sina Carmina Villaroel, Gloria Diaz, Rico Blanco, Bembol Roco, Larah Claire Sabroso at Julia Klarisse Base.

Ito ang unang pagkakataon na magkakasama sila ni Carmina sa isang teleserye. Nagkasama na raw sila noon sa mga television guestings “but we never had the chance na talagang kaming dalawa to work together in a soap opera.”

Ayon sa artikulo ni Bernie Franco sa Push.com.ph ay tinanong si Vina during the press conference of her latest teleserye about her reaction to Sam Milby’s vocal admiration to her younger sister Shaina Magdayao. “For me, she has a natural charm when you see her,” sabi ni Sam during an interview on The Buzz. Sam wants to get to know her better at nagpaalam siya sa best friend niyang si John Prats na dating boyfriend ni Shaina.

Okay lang daw kay Vina kung sakaling ligawan ni Sam ang kanyang kapatid. “Maski sino naman basta maganda ang intensyon sa kapatid ko. If there’s going to be something in the future, bakit hindi?” sagot niya.

Although Sam is not yet courting Shaina, he admitted that they go out together with friends. Pinatotohanan ito ni Vina. “Isang grupo sila. They always hang out together. Grupo sila, so napapasama ako. So masaya lang ang grupo, ‘di ko lang alam kung may seryoso. We have the same group of friends.”

Ipinagmamalaki ni Vina si Shaina who has matured a lot. Nakita raw niya kung paano ito ka-mature ngayon kapag nagde-decide. But Shaina still asks her Ate Vina for pieces of advice when it comes to decision-making. Aside from her, Shaina also asks the opinion of other people. “Marami siyang natatanungan. Okay iyon kasi at least mababalanse niya, ‘di ba?”

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

2 thoughts on “Basta maganda naman daw ang intensyon
Vina Morales, okay lang kahit sino ang manligaw kay Shaina Magdayao

  1. Paulut-ulit na lang issue sa kanila nth time ko na nabasa ‘to.as per Sam nman courrting Shaina, how come they’re going out w/ friends already pero di pa sila masyadong nag kakausap ni Shaina.

Leave a Reply

Your email address will not be published.