Bashers ni Gov. Vilma Santos, ayaw tumigil

Vilma-Santos-RectoNAPAKA-UNFAIR TALAGA ng mga basher ng masipag na gobernadora ng Batangas at mahusay na aktres na si Gob. Vilma Santos. Dapat nang tumigil ang mga ito at tingnan na lang ang mga achievement na nakuha ni Ate Vi at ‘wag ang konting pagkakamali sa spelling na hindi naman nito intended.

Kung tutuusin nga, mas maganda pang pag-usapan at isa-isahin ang mga magagandang nagawa ni Ate Vi mapa-pulitika sa magandang record nito sa pagseserbisyo sa buong Batangas, o maging sa kanyang pag-aartista kung saan maraming makabuluhang pelikula ang nagawa nito na umani ng papuri at nagbigay ng maraming best actress thropies sa kanya.

Kaya naman, mag-isip-isip nga ang mga basher ni Ate Vi kung sila ba ay may maganda nang nagawa sa kanilang kapwa o may napatunayan na ba sila sa kanilang sairili na masasabi nilang achievements nila sa buhay bukod sa paninira. ‘Pag wala, tumahimik na lang siguro.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

2 thoughts on “Bashers ni Gov. Vilma Santos, ayaw tumigil

  1. 1. Para sa mga bashers: Alam ba ninyo na mas malala pa ang maling spelling at grammar ng mga native English speakers? Kaya huwag na kayong magmamagaling dahil hinihiram lang naman ng mga Pilipino ang lenggwaheng Ingles. Just shut up!
    2. Para kay Kris Aquino: Shame on you. You know what you are doing. At para sa kahihiyan mo, wala kang karapatang maging Ninang sa kasal ni Luis Manzano. Kaya dapat ikaw ay magvoluntary withdrawal na magiging ninang kung totoo man yang balita na yan. Sa publiko ka mag-apologize sa kawalang-katalinuhang ginawa mo kay Vilma Santos. Wala kang respeto sa iyong sarili; kaya hindi nakapagtataka na wala ka ring respeto sa ibang tao. Sabihin mo yan sa publiko dahil yan ang ginawa mo kay Vilma Santos.
    3. Para kay Vilma Santos: Huwag nang mag-entertain ng questions or interviews related dito. Kasi lalo silang natutuwa pag ikaw ay nagre-react, mapa-bashers man, or Kris Aquino or ang media. Naiinggit lang sa iyo si Kris Aquino kaya niya sinadyang gawin yun. Nag-iisa kang Vilma Santos – ikaw lang ang tanging tinitingala mapa-larangan ng artista o sa pagse-serbisyo sa mga mamamayang Pilipino. Isa kang huwarang ina at kaibigan. At lahat-lahat ay nasa iyo at hindi nakapagtatakang kinaiinggitan ka ng mga negatibong tao. Taas noo, Vilma Santos!

  2. Wala kasi sila mahanap namaipintas kay Gov. Ate Vi kaya yun wrong spelling at grammar niya ang pinagdiskitahan. Kung tutuusin lahat naman nagkakamali paminsan minsan sa spelling at grammar lalo na kung nagmamadali ka. I’ll take wrong spelling and grammar anytime kesa masangkot sa drug issue…

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.