Basehan ng P72-B ekstrang pork, aalamin

NAKIKIPAG-UGNAYAN NA umano ang Commission on Audit (COA) sa Department of Budget and Management (DBM) hinggil sa sinisimulang pagsisiyasat kaugnay ng kontrobersiyal na Disbursement Acceleration Program (DAP) ng administrasyong Aquino.

Sinabi ni COA chairman Gracia Pulido Tan na ang takeoff point ng kanilang pagsisiyasat ay malaman mula sa DBM ang kabuuang DAP na nailabas at kung sinu-sino ang nakinabang nito.

Kinuwestyon din ni Tan ang legal na basehan ng Palasyo sa pagbuo ng DAP, partikular kung nangangailangan pa ito nang pag-apruba ng Kongreso bago pinayagan ng Pangulong Noynoy Aquino III ang paglalaan ng naturang lump sum funds.

Una nang inihayag ni Budget Sec. Florencio Abad na ang DAP ay galing sa mga savings ng mga ahensiya ng gobyerno at inilaan para sa karagdagang infrastructure projects ng mga mambabatas.

Napag-alaman na umabot ng P72-bilyon ang nailaang pondo para sa nabanggit na programa.

Samantala, una na ring iginiit ni Sen. Miriam Defensor-Santiago na dapat nang magkaroon ng litigasyon ang Supreme Court (SC) sa DAP ng Palasyo dahil maaring may paglabag sa Saligang Batas ang kanilang hindi patas na pamimigay.

Maaalala na tinukoy ng mambabatas ang nasa P100 milyon na ibinigay ng Department of Budget and Management (DBM) kina Senate Presidente Franklin Drilon, dating Impeachment Court presiding judge Sen. Juan Ponce Enrile at Sen. Chiz Escudero habang nasa P50 milyon sa ibang senador at P15 milyon sa i-lang kongresista.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.