Basag ang bungo, bali-bali ang buto Pulis-Trapiko, Binundol ng Bus

BASAG ANG bungo at nagkabali-bali ang ilang buto sa katawan ng isang miyembro ng Reformed Department Public Safety and Traffic Management (RDPSTM) nang bundulin ang sinasakyang motorsiklo ng biktima ng isang humahagibis ng pampasaherong bus sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni SPO2 Virgilio B. Menina ng Caloocan City Police Traffic Divion ang biktima na si Arturo Tambolero, 52, may-asawa, kagawad ng RDPSTM at residente ng # 21B Milagros St., Bagong Barrio ng nabanggit na lungsod.

Kaagad namang naa-resto at kasalukuyang nakapiit ang nakabundol na suspek/driver na si Rolly Lozares, 32, may-asawa, ng # 57 Villa Beatriz, Old Balara, Quezon City.

Base sa isinagawang imbestigasyon ni SPO2 Menina, bandang alas-11:35 ng gabi nang maganap ang nasabing insidente sa kahabaan ng EDSA kanto ng Malvar Street.

Nabatid na binabagtas ni Tambolero ang nasabing lugar sakay ng kanyang Honda motorcycle na may plakang PK-4058 habang ang Commuters Bus Corp. na may plakang  UVG-681 na minamaneho ng nasabing driver ay ga-ling ng Cubao patungong Caloocan.

Pagsapit sa nasabing lugar, aksidenteng nabundol ng nasabing bus ang likurang bahagi ng sinasakyang mototorsiklo ni Tambolero dahilan upang ang nasabing motorsiklo at ang biktima ay magkasamang tumilapon nang may ilang dipa ang layo sa sementadong kalsada na una ang ulo ng biktima.

Kaagad na dinala ang biktima sa Manila Central University Hospital subalit idineklara ang biktima na dead on arrival ni Dr. Cris Urian, attending physician ng nasabing pagamutan.

Ang naturang suspek ay nakakulong na at ipaghaharap sa kasong Reckless Imprudence Resulting to Homicide sa Caloocan City Prosecutor’s Office.

(ROMAN MAGPOC)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.