Barumbadong pulis, kulong sa panunutok ng baril

 

MARILAO, BULACAN – SA halip na sa presinto pumasok, sa kulungan bumagsak ang isang pulis, makaraan umanong mag-wala at manutok ng baril sa mga tricycle driver sa Brgy. Saog sa bayang ito kamakalawa ng umaga.

Sa ulat ni P/Supt. Gerry Andaya, kinilala ang dinakip na suspek na si PO1 Aldrine Manlapaz Y Robles, 38 anyos, residente sa nabanggit na barangay at nakatalaga sa Malabon City.

Base sa inisyal na imbestigasyon, ganap na alas-12 ng tanghali nang magwala ang suspek sa pilahan ng SAOG TODA, kung saan tinutukan ng baril ang mga biktima na sina Benigno Domingo, 46; Ronald Torente, 41; at Enrique Castro, 60 anyos, na nakapila sa nabanggit na terminal.

Nabatid na nag-ugat ang pagwawala ng naturang pulis nang hindi payagan ng pamunuan na makapila ang kapatid nito dahil sa pagiging kulorum ng tricycle, bukod pa rito ang umano’y pagiging talamak nito sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot.

Samantala detinido ngayon ang suspek sa Marilao Municipal Jail habang inihahanda ang kasong Gun-toting at Damage to Properties. (TONY DELA PEÑA)

Atorni First
By Atty. Persida Acosta

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.