Bartender, kritikal sa pa-despedida

HINDI INAKALA ng isang bartender na papuntang abroad na malalagay sa bingit ng kamatayan ang kanyang buhay nang magpa-despedida ito matapos pagsasaksakin ng nakatalo habang nagdaraos ng despedida ang una sa Caloocan City kahapon ng madaling-araw.

Ginagamot  sa Diosdado Macapagal Memorial Medical Center sanhi ng mga saksak sa katawan si Vernie Rufino, 30, ng Dimasalang St., Maypajo ng lungsod.

Pinaghahanap naman ang suspek na si Jefferson Alejandro, nasa hustong gulang ng Tamban St., ng lungsod.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-3 ng madaling-araw, nakipag-inuman ang biktima bilang despedida sa bahay ng kaibigan sa Tamban St., ng lungsod nang may nambato.

Lumabas ang biktima at nakita ang suspek at sinita na naging dahilan ng pagtatalo hanggang sa magsuntukan.

Nakabunot ng patalim ang suspek at pinagsasaksak ang biktima bago tumakas habang dinala naman ang biktima sa PDMMMC.

Nabatid na papuntang Singapore ang biktima upang magtrabaho.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.