Baron has hots for Rhian Ramos

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

KAHIT BAD BOY ang image ni Baron Geisler sa mata ng publiko patuloy pa rin itong umaani ng tagumpay as an actor. Tinanghal siyang best actor sa pelikulang Jay. Kinilala ang galing niya sa pag-arte maging sa ibang bansa kaya labis na ikinatutuwa ng binata.

“Sa movies lang ‘yung pagiging bad boy image ko, pero as of now, I just wanna work. I’m aiming for fame and money. I just wanna be rich, I just wanna be famous something worth it, for something good not for something bad. I’m tired of a bad boy image. In some way, napag-uusapan ako dahil sa bad boy image, pero kung minsan parang nakakapika dahil hindi naman totoong ganoon ako bilang tao.”

Hanggang ngayon hindi pa rin hinihiwalayan ng intriga si Baron. “Baka siguro nakukyutan sa akin. One at a time, and sometimes I don’t care about it! Na mi-misunderstood lang nila ako, kung minsan nga, kahit walang kadahilanan nasasangkot ang pangalan ko. Ang hirap palaging mag-explain kahit nasa tama ka, nagiging mali ka pa. Hindi ko na lang pinapansin, nasasanay na rin ako, manhid na ‘ko sa intriga! Wala rin namang mangyayari kung magpapapatol pa ako, baka ang ending ako pa ang maging masama. Ride na lang tayo nang ride para walang problema.”

Willing ba naman ang magaling na actor to do daring role ? “Yeah, naghubad na ako sa Jay pero sandali lang, but I bet they cut it sa Star Cinema. Sa akin naman mas daring, mas challenging, mas gusto ko. Gusto ko ‘yung role na nahihirapan ako, ‘yung naiiba sa mga nagawa ko na. Pagdating naman sa mga hubaran, wala akong kaarte-arte sa katawan, wala akong malisya pagdating sa bed scene or kissing scene, trabaho lang tayo!”

Chickboy nga ba si Baron, mabilis magpalit ng girlfriend? “Hindi naman. Sila ang may sabing chickboy ako, pero ang totoo n’yan, stick to one lang ako kapag nag-girlfriend. At saka, ipinapakilala ko ang girlfriend ko maging sa family and close friend. Hindi mo naman masasabi kung hanggang saan kayo tatagal hangga’t hindi ninyo nakikilala ang isa’t isa. As of now, gusto ko munang mag-concentrate sa school at work ko. Kasi, palaging palpak ang nagiging karelasyon ko, hindi nagtatagal! I don’t know kung saan may mali, o baka naman may mali rin sa akin, hindi ko alam!”

At first, atubili pa si Baron sabihing may crush siya kay Rhian Ramos at type niyang makatrabaho ang dalaga in the near future? “Magkakilala kami ni Rhian, kaibigan ko siya. Wala namang masama kung maging special siya para akin. Darating din ‘yung time na p’wede ko siyang ligawan. I do like her, mabait, down to earth na tao, mahusay makisama, walang ere sa katawan at pretty talaga!” Papuring-wika ni Baron sa dalaga.

Maraming pangarap si Baron, gustong marating at pilit niya itong aabutin. Kahit one year contract lang ang pinirmahang kontrata ng binata sa ABS-CBN, hindi naman siya nawawalan ng trabaho sa nasabing network. “Magtuloy-tuloy sana ang magagandang blessing na dumarating sa akin and thanks God, hindi ako nawawalan ng project sa Dos. Very giving naman ang Talent Center, sunud-sunod ang mga soap ko and I love my character sa Tayong Dalawa. Painit ng painit ang mga eksena namin ni Gerald Anderson, lalabas na ‘yung totoo kong character sa soap. May indie film din akong katatapos lang gawin. Excited ako sa gagawin namin ni Direk Maryo J. de los Reyes and it’s also a digital film.

“I hope someday mapansin ako sa Hollywood at makagawa ng pelikula abroad. Lahat naman tayo nangangarap maging international star. Libre namang mangarap so, lubus-lubusin ko na. Bawat artista naman gusto rin nilang ma-penetrate ang Hollywood , hindi lang naman ako, ‘di ba ?” Paliwanag ni Baron na determinado sa kanyang tinuran.

Status ni Baron an an actor? “Humble pa rin as an actor. ‘Yung iba akala nila mayabang ako pero ang totoo mahusay akong makisama lalo na sa kaibigan. Kailangan sigurong makilala muna nila ako nang lubusan bago nila ako i-judge kung sino talaga si Baron Geisler. Ang nakikita lang kasi nila ‘yung character na ginagampanan ko sa mga teleserye na madalas nilang napapanood sa TV. Tumatatak sa isipan ng publiko ‘yung image na pagiging bad boy ko,” paliwanag ng magaling na actor.

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.