Baron Geisler’s harrassed Yasmien Kurdi?

MERON KAMING ISANG “personalidad” na nakausap. Tanong namin sa kanya, paano kung me lumabas ding sex video nila ni Hayden Kho?

“Feeling ko, wala naman, eh. Pero kung me lalabas, iiyak ba ‘ko? Nagawa na ‘yon ni Katrina. Parang wala naman akong originality, ‘di ba? Siguro, tatawanan ko na lang. Wala na ‘kong magagawa, nandiyan na, eh, ‘di ba?

“Pero feeling ko, wala. Kung meron man, buti na lang, hindi ako masyadong bumigay kay Hayden. Playing virgin pa ang beauty ko that time. Hahaha!”

Sorry po, walang clue!

Hindi namin alam kung ilang linggong mamayagpag sa mga news programs at mga diyaryo ang nagmistula nang “teleseryeng” pinamagatang “Hayden Khomera” starring Hayden Kho and the victims.

Ilang pakiusap na mula sa mga concerned citizens ang nagsusumamo na lalo lang nagdye-generate ng public interests ang mga video, dahil sa mga follow-up ng media.

Me magagawa pa ba tayo o wala na?

Parang wala na, eh. Mainit na balita ito, eh. Buong bayan ang curious, ang interesado at gustong malaman ang kahihinatnan ng isyung ito. Lalo pa nga’t araw-araw, nagkakaroon ng development o ‘di kaya, ibang biktima naman ang sangkot o nagsasalita.

Masisisi ba natin ang media?

Come to think of it, kahit paano eh, malaking “ginhawa” na rin ke Presidentiable Senator Manny Villar na nalihis nang konti sa “Hayden Khomera” teleserye ang atensiyon ng mga tao.

Kaso nga, masisigasig ang karamihan sa mga senador na i-pursue ang paglilitis sa double insertion eklabu na ni-raise ni Sen. Ping Lacson. Alin kaya sa teleserye at double insertion ang unang makakarating sa finish line?

Me latest victim daw itong si Baron Geisler ng “harrassment.” Si Yasmien Kurdi, nabasa namin sa isang kolum ni Ate Cristy Fermin (oo naman, give the credit where credit is due).

Gustong halikan ni Baron, nagtatalukbong lang ng kumot si Yasmien. Umaaktong exhibitionist daw si Baron as in hinihipo ang sariling notes at ipinapakita kay Yasmien.

Sinisilipan din daw ni Baron si Yasmien. Kaya naman nakikipag-usap na raw sa abogado si Yasmien para sampahan ng kaukulang kaso si Baron.

Tinanong namin ang isang common friend namin ni Yasmien kung siya’y naniniwala. Ang sagot niya sa amin: “Feeling ko, nagkukulitan lang ang dalawa. Masyado lang naging komportable si Baron, kaya gumagano’n kay Yasmien.

“Itanong mo rin du’n sa babae kung hindi ba siya nagbigay ng motibo ke Baron para maging kampante si Baron na bastusin siya ng gano’n?”

Teka, kaibigan mo si Yasmien, ‘di ba?

“Oo, kaibigan ko siya ‘pag tama ang ginagawa niya. Pero feeling ko, sumasabay lang siya sa nangyari kay Katrina para umingay rin siya!”

Hmph! Mukhang may pinanggagalingang malalim ito, huh!

TINATAWAGAN NAMIN SI Baron Geisler para makuha ang kanyang panig, pero hindi nagri-ring ang telepono. Maaaring tulog pa. O, sadyang pinatay ang telepono. O, nagpalit na naman ng sim card para hindi na matanong sa bagay na ‘yon.

Gayunpaman, kung guilty si Baron sa mga paratang ni Yasmien ay dapat siyang managot. Pero kung exaj naman ang kuwento ni Yasmien, eh, dapat siyang ‘wag nang dumagdag pa sa hindi pa natatapos na kaso ni Baron.

Anyway, kung me time po kayo, kinig naman kayo sa aming radio program, ang “Wow! Ang Showbiiiz!” sa dwiz 882 sa inyong AM station at maririnig din sa www.dwiz882.com, 11-12nn.

Puwede n’yo ring i-text sa amin ang inyong comments, just type OGIE ON at i-send sa 2366.

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

3 thoughts on “Baron Geisler’s harrassed Yasmien Kurdi?

Leave a Reply

Your email address will not be published.