Baron Geisler, pinagtripan sa kulungan?!

PSSST! POLITIKA, showbiz, scandal, swarding, tsika! Kaya umpisahan na naman ang tsika to the maximum authority of tsika! Nakakabuwang talaga sa earth ang pahayag ni Baron Geisler sa TV Patrol nu’ng isang araw na sinabi niyang matagal na pala siyang my sakit sa utak. He is suffering from bipolar disorder at apat na taon na itong nagpapagamot.

Ayon sa kanyang pahayag, “I have bipolar o may chemical imbalance, hindi ko po matanggap sa sarili ko na may gano’n akong problema. Iisipin nilang mental case ‘yan, alam mo ‘yun? ‘Wag na nating pagkatiwalaan ‘yan, baka biglang mag-snap.”

Ipinaliwanag din niya ang huling pagkakasangkot niya sa kontrobersiya, kung saan nanuntok siya ng kapit-bahay sa may tindahan at humantong ito sa kalaboso for 14 hours dahil sa tinapay sa tindahan na itinapon ni Baron.

Ayon sa kanya, “Please, maling-mali po ‘yun na bigla-bigla na lang akong nanapak ng kapit-bahay o lasing ako or nakainom ako.”

Ang nakakaloka, siya ang nambugbog pero siya ang maraming pasa. Ang binugbog niya, wala man lang galos kahit saang parte ng katawan. Nangyari kasi nu’ng nakakulong siya, pinagtripan siya ng mga kasamahan niya sa selda at pinagbubugbog. Balita nga na magdedemanda ang kampo ni Baron for iligal detention. Tungkol sa nangyari sa tindahan, aminado naman daw siya sa pagkakamali, pero sana ‘wag naman siyang husgahan agad-agad.

Ayon sa kanya, “Lahat ng ginawa ko, inaamin ko naman na mali ako at kasalanan ko, pero sana naman konting pag-intindi lang.”
Sa totoo lang, maawa ka rin kay Baron kasi sa tuwing malapit na siyang makaahon, may mga darating na naman na mga insidenteng magpapahamak ulit sa kanya. Para sa akin, wala namang taong likas na masama, at sa kaso ni Baron, mabait na tao ito, pero mahina lang talaga siya sa tukso at emosyon.

Hangad ko na maayos na ni Baron ang buhay niya, kasi isa ako sa humahanga sa batang ito na magaling na actor. Isa ako sa nanghihinayang sa kanya sa tuwing may bagong masamang balita sa kanya, at isa siya sa magaling na kabataang artista. Sayang naman kung masasayang lang nang ganito ang buhay niya.

Tulungan natin si Baron, ‘wag na nating masamin ang hindi naman dapat ikasasama, kasi lalong nade-depress ang bata. At sana gumaling na ang kanyang bipolar disorder, kung totoo man na ‘yan nga ang sakit niya. At hangad ko rin ang malawak na pang-uunawa sa kanya.

Sayang kasi ang ganitong mga talento na napupunta lang sa wala. More prayers for Baron. ‘Yun na!

 

MARAMING SALAMAT pala, sa kaunaunahang gift ko na natanggap mula kay Sen. Antonio Trillanes. Sana marami pang sumunod, hehehe! Nakakatuwa naman, kasi tinawagan pa ako ni Karen para batiin ako mismo ni Sen. Trillanes at pinarating niya na may gift daw siya sa akin bukod sa binibigay niya sa akin na gl letter para sa mga maintenance ko na gamot. Maaasahan mo talaga siya, ayaw niya ngang pasabi sa media na ganito siya tumulong.

Naalala ko tuloy nu’ng nabubuhay pa si FPJ na ‘pag may natulungan siya, ayaw nang may kamera at media sa harap niya. Mas mabuti raw ang lihim kasi bukal sa loob nila ang pagtulong, baka sabihin ka-sing malapit na ang eleksyon kaya sinabi ko ito. Sa totoo lang, may eleksyon o wala, matulungin talaga ito sa mga taong dapat tulungan, salamat ulit.

Mabuhay po kayo, Sen. Antonio Trillanes!

PITIK-BULAG: Sino itong magandang very controversial actress na may kinasasangkutan na namang gulo? Balita na nakulong siya sa ibang bansa kasama niya ang kanyang BF na may nakaaway na naman itong talyadang actress, at nakatagpo siya ng katapat.

Kasi ang nakaaway niya ay may sinasabi sa lugar na iyon at nakulong daw ng 24 hours kasama niya ang actor. Kaya lang ayon sa tsika, nagkaroon daw ng news blockout, para maprotektahan ang ginawang kamalasaduhan na naman ng butangerang actress. Parang gusto kung sumigaw ng Darna!

 

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

13 thoughts on “Baron Geisler, pinagtripan sa kulungan?!

  1. BI MARIAN RIVERA AT DINGDONG! Dyosko LOla swards an tagal ng BI yn mxado ng luma s las vegas yn nung fight ni Pacman.

  2. Swarding, punta ka raw Kay ate guy, bibigyan ka nya ng datung. Nahahabag na raw sya sa iyo. Bait pa rin talaga si guy kahit ibinenta mo Ang kaluluwa mo kapalit Ang ilang pirasong pilak pero awang-awa pa rin sayo Ang Lola guy mo. Swarding nung araw sino Ang takbuhan mo? Hindi ba si guy? Pambili mo ng bigas? Sino si guy…pang-matrikula ng anak mo? Sino si guy…pambili ng gamot? Sino si guy…pero talagang maysa hudas kang kabayong bakla ka, ano ginawa mo? Sinira-siraan mo pa Ang kawawang ate guy. Kabila ka pa ng hayop bakla!

  3. blind item si Vilma Santos at ang kanyang bagong bf na bagets ha ha ha ha ha ha DARNA!!!
    Pansin ko lang lahat ng naging anak ni Vilma sa “ANAK” napariwara at nalaos, Baron, Claudine,serena, Carol at bp! samantalang pag si Nora ang nakasama sa isang pelikula! SPLAK!!! maginging respetadong aktor o actress agad and artista!

    • hahhahah c Serena ksma s ANAK movie kelan bago b yan? hahahah patawa ka maxado kng mailusyon mlamang nkadroga ka!!!!

  4. Ang galing Baron sayang. natandaan ko pa sya noon sa Anak the movie ni Ate Vi noon  ang galing nya din bilang anak ni Ate Vi sa pelikula. Pero its not too late ..may hope pa. Go Baron !!

  5. kawawa naman ang matandang huklubang swarding, halos walang pumapansin sa artikulo niya kung hindi si Nora Aunor ang isusulat nya. Gamit na gamit talaga si Ate Guy ng patay gutom na ito. , hahaha

    • paano mo namn nasabi na kawawa si tita swarding????ang kawawa ay yang si nora kc kundi dahil sa mga sinusulat ni tita swarding baka si nora mo pa ang patay gutom..tumatandang walang pinagkakatandaan!!!

    • hindi nag papapansin si tita swarding, kasi marami siyang outlet dzrh.tv. dwss. pinoy radio u.k. london. pinoy parazzi. at marami siyang pinagkaka abalahan ikaw at ang ulikba mong hinahangaan kawawa sa tv5 pangsahog na lang sabi nga ni tita swarding bawang na lang hindi tubig kanal na tinitinda dati ng idol mong adik.

      • hoy swarding tumigil ka na sa kakokokak mo dyan, halatang halata naman na ikaw rin si kokak kasi twing titirahin si swarding, si kokak ang react ng react. Paano malalaman ni kokak lahat ng buhay ni swarding kung hindi siya rin yun, hahaha. Magsama kayo ni Pilar Mateo sa kapangitan, kabalahuraan, at kabahuan ng ugali at pagmumukha ninyong dalawa, hahaha

      • Sa lagay n yan eh maganda n ang ugali mo teh???? Paano p kaya c Cristy
        Fermin at DJ MO? SAnto at Santa n?

Leave a Reply

Your email address will not be published.