Baron Geisler, now a Kapuso!

WALA PA AKONG balita kung ano ang nangyari sa concert ni Jennylyn Mercado kagabi, dahil nakakaloka ang nangyari dito sa young actress kaya hindi ito nakapag-promote nang maayos. Dalawang araw nga itong nawala at hindi man lang sumasagot ng mga tawag.

Nilinaw naman ni Jennylyn na hindi gimik ‘yung pagkawala niya. Alam kong nagkaroon talaga ng problema, pero ayaw na niyang palakihin pa ito dahil may kinalaman yata sa tampuhan nila ng manager niyang si Becky Aguila.

Nakiusap naman si Becky na kung maaari huwag na lang patulan itong mga negatibong isyu at baka makaapekto pa raw ito sa birthday concert ni Jennylyn. Ang concern lang naman daw niya, mabigyan ng proteksiyon si Jennylyn kaya hindi na rin daw siya magsasalita.

Ang pagkakaalam ko, isa sa problema nila ay itong coffeetable book ,dahil hindi pa rin pala ito tapos hanggang ngayon.

Nairita na si Jennylyn dahil anong mukha pa raw ang ihaharap niya na lagi na lang siya nagpu-promote nitong libro na iri-release na, pero hindi pa rin pala. Ayon kay Becky, nagkaproblema pa raw sa creative artist nila at hindi na ito tinapos.

Kailan lang ito na-turn over sa kanila kaya ibinigay na raw niya ito sa photographer nilang si Jay Tablante at ito na ang magtatapos ng layout para ma-submit na sa printing press.

Hindi kaya isa ito sa problema nila ni Becky? Pero in-assure naman ni Becky na tuluy-tuloy na ang pagawa nito kaya lang sobrang disappointed na si Jennylyn dahil ang dami na ang gustong umorder sa kanila, wala siyang maibigay.

Ang sabi ni Becky, sa first birthday na raw ni Alex Jazz sa August nila ito iri-release dahil tamang-tama para naman daw talaga ito sa bata. Sana matuloy na nga dahil malapit na itong mabantilawan. Baka mamaya, malaki na ang bata, hindi pa rin mailalabas iyang coffeetable book na iyan!

MALAPIT NANG MATAPOS ang SRO Cinemaserye nina Maxene Magalona at Marvin Agustin, kaya sinisimulan na ngayon ang ipapalit.

Tampok naman sa bagong episode ng SRO sina Jennylyn, Yasmien Kurdi at Nadine Samonte. Ngayon pa lang sila magsasama-samang tatlo kaya kaabang-abang ito. Kasama rin nila dito si Paolo Contis at Baron Geisler, na ikinagulat kong lumipat na pala ng GMA 7.

Ang sabi naman daw ni Baron, si Direk Maryo J. delos Reyes ang gumawa ng paraan na magkaprograma siya sa GMA 7, dahil wala na raw itong kontrata sa ABS-CBN 2.

Nagpapasalamat naman ang aktor at pinayagan daw siya ng Dos at siyempre, higit ang pasasalamat niya sa GMA 7 dahil tinanggap siya. Nangako si Baron na magtatrabaho na siya nang maayos at behave na siya ngayon, dahil kailangan daw niyang mag-ipon ng datung.

Balak daw niyang magpatayo ng bahay para sa Mommy niya. Kaya hindi na raw siya lumalabas at tutok na raw siya sa trabaho. Tinitiyak daw niya ngayon na hindi na siya masasangkot sa gulo dahil hindi na nga raw siya gumigimik sa labas.

Naku! Dapat naman, ‘no?! Ilang beses na siyang binigyan ng pagkakataon, kaya dapat ayusin na niya ang buhay niya!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

Related Post

loading...

8 thoughts on “Baron Geisler, now a Kapuso!

  1. pano naman ako maniniwala ke Lolit Solis eh Mukhang pera yan. Mabayaran lang yan mag susulat na yan. Ewan ko ba BULOK NA NASA PULITIKA, BULOK PA NASA SHOWBIZ!

  2. huhuhuhuhu….. how true is that naman……. heheehhhehehe im not convince of what i have seen from the video…………

  3. Palagay ko totoong may misunderstanding si Becky at Jen at isang dahilan ang tungkol sa CTB. Unang-una idea ni Becky yang CTB na yan. Unang balita ire-release yan nung November in fact nagpromote sila sa Sis, di natuloy.Sunod na sked February at kesyo Valentine’s gift di rin natuloy. Sumunod na sked sa b-day daw ni Jen at may pre-selling pa daw na magaganap sa concert ni Jen at awa ng Dios di pa rin natuloy. At lastly ang last sked as of this writing na release ay sa August na bday month ni AJ. Para kay AJ ang CTB? Itanong kay Becky.

    Tanong kay Manay Lolit? Pag may talent ka ba na gusto nang umalis sa poder mo pipigilan mo ba? At tatakutin mo ba na sisiraan pag ganun ang gawin?

  4. Hiram ang ginamit hindi lipat,magkaiba ‘yon.,palusot! di sa inyo na siya..,sana man lang huwag gawing exaggerated ang kwento…

  5. Kung pinahiram man sya lumipat sya sa 7 dahil ang ibig sabihin ng lumipat ay ibang lugar ang 7 at dos magka-iba ang lugar so lumipat sya para magtrabaho sa 7 pero pinahiram sya ng dos para makalipat ng station.

  6. lolit sinungaling,,,anong lilipat eh sabi ni baron pinahihiram lang siya…matandang sinungaling…..

  7. eh di mabuti lumipat nalang sya..wala naman syang kwenta..sya talaga ang nasa blind item na ang ganda ganda ng role nyo sa isang serye eh tinigok ng management kasi mahirap pakisamahan….kung di lasing eh ewan

Leave a Reply

Your email address will not be published.