Baron Geisler, nagwala na naman

Usap-usapan na naman si Baron Geisler sa social media, partikular sa Facebook, matapos makuhanan ng video na lasing na nagwawala na naman sa labas ng isang bar.

Sa video na ipinost ng Facebook user na si Wilbert Brandon N Travis, makikitang nagwawala si Baron sa kalye at nagmumura sa isang tinatawag niyang “bakla”.

Nangyari ang insidente sa labas ng Guilly’s Bar sa Tomas Morato sa Quezon City.

(Video Courtesy from Wilbert Brandon N Travis Facebook)

Hindi naman malinaw kung bakit nagwawala si Baron. Pero ayon sa nag-upload ng video na si Wilbert, wala umanong kasalanan si Baron Geisler. Bigla umanong may sumapak kay Baron, dahil nanggugulo raw ang lasing na aktor.

“Pero sa totoo hindi niya ata kasalanan bigla na naman siyang sinapak sa ulo e.. Ewan ko sabi nun sumapak nang gugulo daw,” ani Wilbert.

Kamakailan lang, nasangkot din si Baron Geisler at ang indie actor na si Kiko Matos sa isa pang gulo sa Tomato Kick Bar sa Tomas Morato rin.

By Parazzi Boy

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.