Baron Geisler, nagwala na naman sa bar – Eddie Littlefield

SA BIRTHDAY PARTY NI Maryo J. de los Reyes last Saturday, nagwala sa kalasingan si Baron Geiser. Masayang nagkukuwentuhan ang mga bisitang artista ni Direk na sina Jomari Yllana, Malu Barry, Chanda Romero, Lloyd Samartino, Daria Ramirez and Aga Muhlach ng biglang dumating si Baron. Halatang nakainom na, naka-pambahay outfit na parang tumawid lang tindahan para bumili ng yosi. To think na napaka-sosyal pa naman ng party.

Lumapi si Baron kay Direk Maryo J. at naki-join sa kapwa niya artista. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, bigla itong nagbasag ng bote sa harap mismo ng mga bisitang naroroon! Na-shock kami sa pangyayari, tahimik ang lahat, nakikiramdam sa susunod na eksena. Inawat si Baron, pilit na pinalabas ni Direk ang binata para pauwiin na. May pinakiusapan pa ngang kaibigan si Maryo na pakihatid na lang sa bahay ang binata dahil lasing na nga ito.

Nakakaloka ang eksena sa kalye ng Mother Ignacia, near ABS –CBN. Nagkagulo ang mga tao, pinapanood si Baron na ayaw pa ring paawat. Akala mo may shooting na nagaganap ng gabing ‘yun, pilit na isinasakay sa taxi ang binata. Sa sobrang kalasingan, nagpagulong-gulong pa ito sa kalye, na-out of balance sa sobrang kalasingan. Mabuti na lang at naawat si Jun Palitao (may-ari ng restobar at alaga ni Direk) na gusto siyang upakan.

Hindi matapus-tapos ang tsikahan tungkol kay Baron, naging sentro tuloy siya ng usapan. Nand’yan may nagsasabing dapat na raw ipa-rehab ang binata sa pagiging alcoholic nito. Nawawala sa ayos kapag nakainom na, sayang kung magpapatuloy ang ganito niyang bisyo. Magaling na aktor pa naman si Baron, pinatunayan niya ito sa mga makabuluhan niyang pelikula at teleserye.

Ilang beses na naming nakaharap itong si Baron, matinong kausap, mabait at walang ka ere-ere sa katawan. Nag-iiba ang attitude kapag nakainom na, obserbasyon ng nakararami.

Kahit may ganu’ng pangyayari tuloy pa rin ang kasiyahan, kantahan, inuman at halakhakan na parang walang nangyari. Tumayong emcee si Richard Pinlac na lalong nagpatingkad sa nasabing event. Kanya-kanyang song number ang bawat artista, dedicated to the birthday celebrator – Direk Maryo J.

SA KATATAPOS NA presscon ng Mr. Gay World Philippines na ginanap sa Penthouse 4K Plaza, Shaw Blvd., Pasig City ipinakilala sa movie press ang 19 candidates. Malakas ang sex appeal ng candidates number 11, Raul Nebres as “Convent Bred,” number 15,Erimar Ortigas – “Call Center Baby” and number 16, Nomer Yuzon – “Hawaiian Delight” dahil napaka-straight forward nilang sumagot at totoo sa kanilang sarili. Hindi ikinahihiya ang pagiging gay nila at pakikipagrelasyon sa kapwa nila lalaki.

Brains behind Mr. Gay World Philippines are Noemi Alberto, Mac Bordolla, Dennis Sebastian, Ronald Carballo and Boy Abunda. The fabulous gay pageant is slated on October 25, Sunday, 9 P.M. at The Metro Bar in West Avenue, Quezon City with a much credible line-up of celebrity of judges. Hosted by top TV host and gay icon Boy Abunda and directed by Ronald Carballo.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

2 thoughts on “Baron Geisler, nagwala na naman sa bar – Eddie Littlefield

  1. Sino nanalo sa Mr. Gay? Si Piolo, Erick, Sam, Jed, Christian, Luis, Ejay, Enchong, lahat ata kapamilya lol!

Leave a Reply

Your email address will not be published.