Baron Geisler, lagare sa pitong pelikula!

NAKAKATUWA NAMANG malaman na kahit hindi visible si Baron Geisler masyado sa telebisyon ay napaka-active naman ng kanyang movie projects. Imagine, pitong pelikula ang gagawin ni Baron sa taong ito at isa nga rito ay ang Pridyider, kung saan kahit supporting role lang siya kina Andi Eigenmann at JM de Guzman ay wala naman daw itong problema sa kanya. Katunayan noong presscon nga ng movie ay maagang dumating si Baron sa Mezzanine ng Imperial Palace Suites.

Kuwento niya sa amin, “Supporting role lang naman ako rito, isa akong agent na nasa… parang nagtatrabaho sa Hollywood.

“In love na in love sa character ni Andi. Dating nagtatrabaho sa akin si Andi Eigenmann. Pi-

nipilit ko siyang bumalik sa Amerika pero ayaw niya. Ayaw niya sa akin, pinipilit ko pa rin. Binista ko siya sa Manila, at kinulit-kulit ko siya.”

Sa patuloy na pakikipagkuwentuhan namin sa award-winning actor, nailahad nito na naka-concentrate siya sa paggawa ng pelikula sa ngayon. As in pitong pelikula raw ang nakalinya niyang gawin kasama na rito ang Pridyider.

Saad pa niya, “Actually I’m doing seven movies, including ito. Ito ‘yung isa sa pinakaunang ginawa ko ngayong taon.

“You know what I’m so blessed, na kahit wala munang TV (show) at least sa movies muna magko-concentrate.

Dagdag pa nito, “Sa totoo lang masarap talagang gumawa ng pelikula dahil kumbaga makaka-focus ka talaga sa characters mo.

“Ah, ang kagandahan lang kasi sa TV, mas may pera kasi sa TV, nami-miss ko. Although may kumausap na sa amin ni Boss Arnold (Vegafria), manager ko, so eventually I’m gonna do a soap opera very, very soon.”

Isa sa mga nakalinya sa kanya ay ang pelikulang Lihis ng Regal Films din, kaso hindi pa raw sila nagsimulang mag-shooting.

Aniya, “Hindi pa, pero nag-start na ako for ‘El Presidente’ (ni Governor ER Ejercito, Cesar Montano at Superstar Nora Aunor), I’m really excited to do all these movies dahil talagang mga dream project ‘to, eh… ‘yung mga karak-

ter na ginampanan ko.”

Bukod pa sa El Presidente, ginagawa rin sa kasalukuyan ni Baron ang isa pang movie with award-winning director Brillante Mendoza, ang Sapi kasama sina Dennis Trillo, Kristoffer King at Meryll Soriano.

Dugtong pa niya, “Bale naka-ten days na ako, naka-two weeks na kami sa ‘Sapi’. I have two more shooting days with Direk Brillante and it was such an amazing experience working with Direk Brillante kasi kakaiba siyang magtrahabo, eh.”

Pagmamalaki naman ni Baron sa isa pa niyang movie, “I have Pedro Calungsod with JM de Guzman, and I have Lihis, other projects sa Regal din, so I’m very grateful kina Mother Lily (Monteverde) and kina Miss Roselle (Monteverde-Teo)  dahil kumbaga  sinubukan lang nila ako dito, eh. And thank God, maganda naman ‘yung feedback.

“And kinausap nila ako nu’ng birthday ni Mother Lily, sabi nila ‘you have two more movies na kasama ka’… ah okie.”
Sure na ‘to
By Arniel Serato

loading...

7 thoughts on “Baron Geisler, lagare sa pitong pelikula!

  1. infairness ha, kahit na andaming nangyaring negative issues kay manyakol na baron geisler, talagang kinukuha pa rin syang artista. 

  2. ksama s mga napasikat ng ABS cna Sarah G, Daniel Padilla, Enrique Gil, Kiray, Ella Cruz, Jane ONeiza, Angel Aquino, Gretchen B., Coco Martin, Denise Laurel, Maja, Kim Chiu, Gerald, Anne Curtis, Cristine Reyes, andami sobra…

  3. andami ng napasikat ng ABS Juday, Claudine, Piolo, Kristine, Diether, Marvin, Jolina, Rico Y, Angelica, Camille Prats, Jean Garcia, Eula Valdez, Dawn Zulueta, Kathryn B. Jericho, Enchong, Erich, JUlia, Mylene Dizon, JOdi, marami pang iba…eh ang GMA7 Angel Locsin, Marian, Richard at Dingdong lng!!! 4 lng mula noon hanggang ngayon hahahhahah!!!!

  4. Yan ang produkto ng Starmagic Artists….magagaling at indemand prin s mga produ kc alam nla n mgaling tlga!!! ABS talent d best!!!!! Until now un mga artist a ng TABING-ILOG eh visible prin at sikat prin….JLC, KAye Abad, Jodi Sta. Maria, Desiree del Valle, Baron Geisler, at Dimples Romana….c Patrick Garcia at Paolo Contis after lumipat s GMA7 aun laos n preho sayang kung ns ABS prin cla im sure same ng mga nabanggit ko eh disin sana eh visible pa cla at me mga projects pa sna…kya sorry nlng cla!!!! Look c JLC me movie na isho-showing, c Jody me BCWMH, c Desiree me Aryana, c Dimples me tv shows din at movie, c Baron e2 nga 7 movies daw ang projects including Pridyider at Kaye Abad me Angelito at mga shows…san kp? Until now visible pa un mga nakasabayan nila nasaan n kya?????

      • Nsaan nrin kya mga artista ng TGIS c Raven, Red, etc.etc,etc……kc un artista ng GIMIK eh mga visible prin at talgang sumikat ng husto un iba nga lng n lumipat ng GMA7 aun limot na ng publiko nag-asawa nlng kc laos na!!! Sumpa nga b ang paglipat sa GMA7???? eh ba’t nalalaos ang artistang (like, Claudine, Jolina, Marvin, Paolo Contis, Angelika, Patrick, TJ, etc..) nalipat sa GMA7 fr. ABS2??? pero ang artistang nalipat ng ABS2 fr. GMA7 eh napapasikat nmn (Toni, Anne curtis, Jake, Paulo, Mariel, Angel, etc.).

Leave a Reply

Your email address will not be published.