Baron Geisler, kailangan na uling magpa-rehab!

MAY NAKARATING NA balitang may nangyaring gulo raw sa shooting ng pelikulang Narito Ako nina Aljur Abrenica at Kris Bernal na kinukunan sa Bohol.

Walang kaabog-abog na sinuntok daw ni Baron Geisler si Aljur gayong wala namang ginagawa ito sa kanya.

Lasing na lasing daw si Baron at napagtripan lang daw nitong suntukin si Aljur na nananahimik sa set.

Paano naman kasi, halos gabi-gabi raw na naglalasing itong Baron at kung anu-anong kagaguhan ang ginagawa nito.

Kuwento pa sa amin ng aming source, minsan daw bumili ito ng ibong loro para ipasalubong daw kay Mother Lily Monteverde. Nang nalasing daw ito, napagdiskitahan daw nito ang biniling loro, ipinaihaw raw niya at ginawang pulutan.

Nasa Singapore kami ngayon kaya wala pa kaming nakakausap mula sa kampo ni Baron at sa GMA Artist Center. Pero reliable ang nagkuwento sa amin tungkol sa naturang insidente.

Ang nakarating pang balita, ayaw na raw sanang ikalat pa ito ng mga taga-Regal Films para hindi na mag-nega sa shooting nila. Pero kumalat na ito at hindi na maitatanggi kahit gusto pa raw sana nilang palabasing nadala lang sa eksenang kinukunan nila.

Si direk Maryo J. delos Reyes ang direktor nitong pelikula at manager din siya ni Baron kaya napasama ito sa naturang project. Pero dapat na mabigyan ni Direk Maryop ng leksiyon ito dahil hindi pa rin yata nagbabago. Ganu’n pa rin at hindi talaga siya okay kapag nalalasing. Dapat sigurong ipa-rehab uli ni Baron ang sarili niya para matigil na ang paglalasing niya.

Okay naman ito kapag hindi lasing, lumalabas lang ang ‘di kagandahang-asal kapag nakainom.

Nang huling nakausap namin si Yasmien Kurdi, pursigido itong ituloy pa rin ang kaso at sabi nga niya lalo pang nadagdagan ang kaso dahil hindi naman daw siya tinitigilan ni Baron. Kung anu-anong kabastusan daw ang itini-text sa kanya at sini-save iyon ng young actress dahil idadagdag daw niya ito sa charges na isinampa niya.

Ayaw muna ni Yasmien na magsalita sa ngayon, pero pangako nito sa amin, magsasalita raw siya kapag naisyuhan na raw ng warrant of arrest si Baron.

Dahil sa patuloy na pangugulo sa kanya, hindi na raw siya magpapaareglo sa aktor at tuluy-tuloy na raw ang kasong isinampa niya.

Hinihintay ko na lang ang statement ng GMA Artist Center kung ano ang balak nila sa gulong ito.

by Gorgy’s Park

loading...

9 thoughts on “Baron Geisler, kailangan na uling magpa-rehab!

  1. no dapat sa kanya eh e-pa SALVAGE tapos itapon natin sa dagat para ma tsibog ng pating! tapos i-pa rape natin yung nanay niya at mga kapatid tapos igapos natin at sunugin natin yung bahay nila!.

  2. dapt ke BARON ibitin ng patiwarik! sama ng ugali tlga diko alam bakit pa binibigyan ng project ang ganyang klase ng tao. i ban natin ang mga movie ng taong ito. isa kang public figure kaya dapat ay maging role model ka sa public! at sana lahat ng babae na binastos niya lumabas na at suportahan cla yasmien kurdi! ibagsak c BAron hehehe

  3. This man needs help and immediately. He is an alcoholic. His behaviour is due to the influence of alcohol. Does the Philippines have an organization called Alcoholics Anonymous? No one can help Baron but himself. He just needs someone to show him how to check in a rehabilitation facility. He must want to do this before rehab can be effective. So sad that we don’t hear from his immediate family. Does anyone in his family care about what’s going on with him. Hope so before it’s too late.

Leave a Reply

Your email address will not be published.